CHAPTER 33 Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay sinamahan na niyang mamili si Nia sa mga kakailanganin nito sa pag-bake ng strawberry cake. Iyon daw ang gusto niyang ibigay kay Jeru. “Do you know why I picked strawberry cake?” nakangiting tanong nito sa kanya habang nakapila na sila para magbayad. Umiling siya. “Why?” “I’ve heard that he likes it,” nakangiting sagot nito. “Matagal na rin kaming magkakilala ni Jeru at minsan ko nang nakita siyang dinadalhan ng Grandama niya ng cake.” Hindi siya kumibo at nginitian lang ito, ayaw niya itong pangunahan dahil baka magalit ito sa kanya o masaktan kapag sinabi niyang hindi iyon ang paboritong kainin ni Jeru. Siguro naman hindi masamang sumubok kumain ng ibang cake, ‘di ba? “What do you think?” nakangiting tanong nito sa kanya. “Ha?” “

