CHAPTER 41 Tila nawala ang antok ni Madeline nang marinig ang pamilyar na boses na nanggaling sa sala. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin kay Jeru. “W-What time is it?” tanong niya rito. “Pass twelve,” sagot nito. “Bakit nandito na si Jackson?” tanong niya rito. Nagkibit ito ng balikat. “Stay here,” sabi nito. “Kainin mo na ito habang mainit pa,” dagdag pa nito bago tuluyang umalis upang salubungin si Jackson. Oh my God, ano’ng gagawin ko? Taranta niyang tanong sa isip. Tiningnan niya ang umusok pang pagkain na inihanda ni Jeru, instant noodles lang iyon pero bakit bigla siyang natakam? Umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi naman siguro pupunta doon si Jackson, ‘di ba? Tahimik siyang kakain doon at hihintayin hanggang umalis ito. Tiyak naman niyang hindi ito magtatagal doon.

