CHAPTER 43 “I’ll deduct this on your allowance and at the same time, magrereport ka bukas sa Guidance Office,” seryosong turan ni Jackson sa kapatid nito. Sila-sila na lang ang nando’n at bago maglinis ng buong lugar ay nagtipon-tipon muna sila dahil talagang dismayado si Jackson sa nangyari. “What the hell? Bakit parang doble ang parusa ko? You’re not being unfair!” Nakahalukipkip na sita ni Jacque sa kapatid nito. “Para magtanda ka,” seryosong sabi nito. “Hindi sa lahat ng oras ay pinaiiral ang init ng ulo, Jacque. Nasa trabaho tayo at kailangan nating maging propesyunal.” Sininghalan lang ito ni Jacque. “Hindi ako ang nagsimula ng gulo. Sinadya niyang bungguin ang tray para matapon sa akin ang milkshake!” Marahas namang nagbuga ng hangin si Jackson, salit-salitan niyang tinitingna

