CHAPTER 50 Naghahanda si Madeline ng gamit niya nang biglang tumunog ang doorbell niya, isinara niya ang kanyang backpack at patakbong binuksan ang pinto. “Ani’ng ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong niya kay Dina. Bagaman nagulat siya dahil sa biglang pagbungad nito sa harapan niya ay hindi niya iyon ipinahalata. “Nabalitaan kong aalis daw kayo ngayon, I want to come also,” sabi nito na hindi makatingin sa kanya. Hindi na siya magtataka kung paano nito iyon nalaman at kahit hindi nito sabihin ang tinutukoy nito ay mukhang alam na niya iyon. “Saan?” kunwang tanong nya rito. Natigilan ito ngunit panandalian lang. “M-May outing kayo, ‘di ba? Gusto kong sumama,” mahinang sabi nito. “Huh? Hindi kita marinig? Pakilakasan nga, please?” diniinan niya ang huling sinabi niya upang iparating

