CHAPTER 6

2125 Words
CHAPTER 6   Huminga muna ng malalim si Madeline bago siya humakbang palabas ng elevator, kahit pa sabihin na full scholar siya ng Unibersidad ay may mga dapat pa rin siyang pagkagastusan at hindi siya puwedeng umasa sa allowance na ibibigay sa kanya.   Humakbang siya papalapit sa counter, hawak ang isang brown envelop sa isa niyang kamay at kinapalan ang mukhang lapitan ang napaka-guwapong barista.   “H-Hi!” impit niyang bati rito. Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil nagmukha siyang malandi sa tono nang pananalita niya, pero saka na lang niya iyon iisipin. May mas impostante siyang kailangang gawin kaysa isipin ang pagkapahiya niya.   “Oh, hi there!” nakangiting bati nito sa kanya.   Hindi niya alam kung ilang segundo siyang nakatunganga lang sa harap ng lalaki. Ang ganda ng pantay-pantay at maputing ngipin nito, mas lalong gumuwapo ito sa paningin niya at parang nagsisimula nang lumuwang ang garter ng panty niya at handa nang malaglag iyon ngunit bago pa man mangyari iyon ay narinig niya ang pagpitik nito ng mga daliri sa harap niya.   “Miss, alam kong guwapo ako pero sana huwag mo naman akong pagsamantalahan sa isip mo,” sabi nito.   Napakurap siya at agad tinakpan ang kanyang bibig. Oh God! Ganoon ba ako ka-obvious?!   “I’m sorry, hindi talaga ako nandito para maglandi at pagpantasyahan ka,” bigla niyang sabi ngunit nang mapagtanto ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig ay natampal niya iyon ng wala sa oras. Tumawa naman ng malakas ang lalaki at tila naaaliw sa kanya.   “You’re funny, what’s your name?” nakangiting tanong nito.   Puwede bang huwag ka na munang ngumiti habang kausap ako? Nadi-distract ang kunehong p********e ko!   “M-Madeline Mijarez, Sir,” sagot niya rito.   “Em-em? That’s a good name,” sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya.   Napatanga siya at nagsalubong ang kilay. Ako ba ang tinatawag niyang Em-Em?   “I’m Jackson. Nice to meet you.” Isinenyas nito ang kamay na nakalahad kaya mabilis niyang tinanggap iyo at nakipagkamay.   “N-Nice to meet you, toom Sir Jackson,” sabi niya at alanganing ngumiti.   Malambot ang kamay nito at halatang anak-mayaman dahil hindi iyong kasing-gaspang ng mga nakikilala niyang mga lalaking tumatambay minsan sa kanilang shop.   “So, what brings you here? Mamayang hapon pa magbubukas ang Café at—”   “I saw the signboard, naghahanap daw kayo ng Crew, mag-aapply sana ako,” mabilis niyang sagot dito.   Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Lihim naman siyang napalunok at biglang kinabahan sa klase ng tingin nito sa kanya, parang gusto na niyang umatras at maghanap na lang ng ibang trabaho sa labas ng University.   Hindi yata sila tumatanggap ng mga katulad kong scholar lang. Sayang gusto ko pa naman magtrabaho dito at gamiting experience para sa pangarap kong maging isang sikat na barista.   “Okay, you’re hired. Puwede ka nang magsimula ngayon,” sabi ni Jackson at muling inilahad ang kamay sa kanya. “Welcome to the club.”   Literal na napanganga siya sa bilis nang pagkakapasok niya. Ang buong akala niya ay hindi siya tatanggapin nito dahil sa mapanuring tingin  nito sa kanya kanina. At isa pa, ni hindi man lang nito tiningnan ang dala niyang resume. Guwapo lang yata ito pero may saltik sa utak! Hindi gawain ng isang matinong tao ang maghire nang hindi nakikita ang resume ng applicant! Hello!   “T-Tanggap na ako?” tanong niya na hindi makapaniwalang itinuro pa ang sarili.   Nakangiti nitong kinuha ang kanyang kamay at ito na mismo ang nakipakamay sa kanya.   “Yup, you’re hired. Kulang kami ngayon sa waitress at tamang-tama lang ang dating mo,” nakangiting sagot nito.   “P-Pero hindi ba dapat ay tinitingnan muna ang resume ng applicant at iinterbyuhin?” takang tanong niya.   Bigla siyang natigilan at nanliliit ang mga matang hinaklit ang sariling kamay dito at nagdududa ang mga matang tiningnan naman niya ito ng mataman.   “Pinagtitripan mo ba ako?” tanong niya.   “What? Of course, not! Hindi ako mahilig mangtrip lang, ‘no!” sagot nito.   “Hindi ako naniniwala,” sabi niya at nakapameywang na tumingin sa paligid. Mangilan-ngilan pa lang ang tao doon at nang may makita siyang isang babaeng nakasuot nang kaparehas na damit ng lalaking kausap niya ay nagkaroon agad siya ng hinala.   “Look, Mister Jackson, gusto ko po talagang magtrabaho dito, baka naman puwedeng makausap ang Manager ng Café na ito. Baka naman puwede mong ibigay ang resume ko at—”   “Sir, may gusto pong kumausap sa inyo,” sabi ng isang waiter na lumapit sa kanila.   Tumango naman si Jackson at nakangiting bumaling sa kanya. “Tanggap ka na, Em-Em. Dave, samahan mo siya sa locker room at bigyan mo ng uniform. Pagdating ni Jacque sabihin mong i-train na siya, now where are those jerks na gusto akong kausapin?”   Napakurap-kurap siya ng mata habang nakikinig sa mabilis nitong pagsasalita. Tumunghay naman siya sa tinawag nitong Dave na itinuro ang tatlong kababaehan sa ‘di-kalayuan at nakatingin sa kanilang tatlo.   “Them again? Ano na naman ang kailangan nila sa akin?” narining niyang sabi ni Jackson.   “Malamang makikipaglandian lang, doon ka naman magaling lagi, ’di ba?” mahinang sabi ni Dave ngunit narinig iyon ni Jackson pero bago pa man maka-react si Jackson ay hinawakan na siya ni Dave palayo sa lalaki.   Nilingon niya si Jackson at nakita niya ang pagkamot nito ng ulo at sunod-sunod na pag-iling, pumasok sila sa isang malaking pinto na may nakasulat na ‘FOR PERSONEL ONLY’.   Iniwan siya nito saglit at nagpunta sa isang malaking cabinet, kumuha ng isang pair na uniform na para sa mga babae. Kulay krema ang kulay ng ternong damit at may kulay asul na lining sa mga manggas ng pencil skirt na nag-eemphasize sa maliit na slit sa kaliwang binti.   Sosyal ang datingan ng uniform, bagay na hindi naman kataka-taka dahil sa pagiging presitihiyoso ng unibersidad.   “Here, I leave you para makapagbihis ka ng maayos. Lumabas ka nalang kapag okay ka na, hihintayin kita sa labas,” sabi nito at tinalikuran na siya.   ‘T-Teka lang . . .” habol niya rito. “T-Totoo bang hired na ako?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya rito.   “You heard the Boss,” simpleng sagot nito at tuluyan na siyang iniwanan sa loob ng locker room.   Boss? Ibig sabihin si Jackson talaga ang Boss ng Café na ito?   Whoa! Ang inaasahan niyang Manager ng Café na ito ay matanda na o ’di naman kaya ay nasa mid thirthies o fourthies. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nagsimula nang magpalit ng damit, ’di bale na nga! Ang importante ay may trabaho na siya at may pandagdag na siya sa mga personal niyang gastusin, hindi man sila nagkukulangsa finance matters mas masarap pa rin sa pakiramdam iyong may sarili ka nang kinikita at hindi ka na umaasa sa mga magulang mo.   Parang ginawa para sa kanya ang uniform na iyon dahil kasyang-kasya lang iyon sa kanya, hindi maluwag at hindi rin naman masikip ngunit hindi siya komportable sa ganoong pananamit. Mas gusto niya ang mga maluluwang na t-shirt at hindi ang ganitong kitang-kita ang kurbada ng katawan niyan. Naaalibadbaran siya at parang pakiramdam niya ay wala siyang suot na damit.   Nag-aalangan man at nahihiya ay wala siyang magagawa kundi sanayin ang kanyang sarili sa ganoong kasuotan, kung guso niyang magkatrabaho ay dapat niyang pag-aralan ang manamit nang ganoon. Hindi rin naman maikli ang suot niyang skirt kaya okay na iyon.   Paglabas niya ay nakita niyang may kausap na babae si dave, matangkad ang babae at mahaba ang kulot nitong buhok. Maputi ang balat nito ang ganda rin ng hugis ng katawan ng babae. Nahihiya man ay lumapit pa rin siya sa mga ito at kinilabit si Dave, napalingon naman ang dalawa sa kanya.   “Ahm, a-anong sunod kong gagawin?” nakagat niya ang kanyag labi at nagkakamot na nakayuko ang ulo.   Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sana naman hindi nila ako awayin.   “Si Jacque na ang bahala sa’yo, kapag may kailangan ka pang iba huwag kang mahihiyang lapitan ako at magtanong. Goodluck,” sabi nito at napapitlag pa siya nang tapikin siya nito sa balikat.   Jacque? So ang kaharap ko ngayon ay ang taong magti-train sa akin?   Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang magandang ngiti nito sa mga labi.   “Hi, I’m Jacque, you must be Em-Em, right?” tanong nito sa kanya.   “Actually, it’s Madeline. S-Si Boss Jackson lang ang nagbigay ng palayaw na iyan,” sabi niya at alanganing tumawa.   Narinig niya ang pagsinghal nito. “Pagpasensiyahan mo na ang kabaliwan ng kapatid ko, may pagka-pakialamero talaga ang unggoy na iyon.”   Unggoy? Kung ganoon ka-guwapo lahat ng unggoy, dudumugin ang lahat ng Zoo sa buong mundo.   “O-Okay lang, hindi rin namang masamang pakinggan ang binigay niyang pangalan,” sabi niya habang umiiling-iling.   “Then, your name would be Em-Em,” sabi niya at may ibinigay sa kanyang nametag at may nakalagay ngang Em-Em doon.   Tinanggap niya iyon at inilagay sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.   “Perfect!” Pumapalakpak na sabi nito. “And now, let’s begin your training,” sabi nito at hinawakan siya sa kamay para dalhin sa bar counter.   “May experience ka na ba sa ganitng trabaho?” tanong ni Jacque sa kanya.   “Wala pa po, Ma’am pero minsan umeekstra po ako sa mga Catering Services para maging waiter o ’di naman kaya ay barista,” magalang niyang sagot dito.   “Barista?” ulit nito sa sinabi niya.   “Opo, Ma’am. Nahilig po kasi ako sa mga paghahalo ng mga—”   “Wait!” putol nito sa sinasabi niya. “First and foremost, stop calling me, Ma’am at don’t use th po and opo when talking to me. Hindi pa ako matanda, hello!”   “Po?” gulat niyang sabi. Tinaasan siya nito ng kilay kaya humingi agad siya ng sorry. “A-Anong gusto mong itawag ko sa’yo? Madam?”   Napapalatak namang inirapan siya nito. ‘Gosh! Call me by my name, hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Duh!”   “P-Pero, kapatid kayo ni Boss Jackson—”   “Huwag mo ring sanayin ang sarili mong tawaging Boss ang unggoy na iyon. Mas lalo ka lang aasarin niyon, lahat ng empleyado rito ay kaibigan namin. Hindi kami nagpapatawag sa mga ganyang pangalan, okay na sa amin na ginagalang nila kami at nirerespeto,” sabi nito.   Hindi siya nakaimik at tango lang ang nagawa niya. Grabe ang babait naman ng mga tao dito!   “Now let's go back to what you’re saying,” nakangiting sabi nito sa kanya.   Tumango siya. “Hilig ko ang maghalo ng iba’t-ibang inumin, kapag nagsa-sideline ako sa Catering Service ng Tita ko ay pinag-aaralan ko ang tamang paghalo ng mga inumin, pero mas hiyang ako kung sa paggawa ng iba’t-ibang klaseng inumin katulad ng kape, tsaa at iba pa. Mahilig kasi si Poppy sa kape kaya iyon ang pinag-aralan kong gawin,” pagkukuwento niya.   “I see,” sabi niya habang tumatango-tango. “Kung gayon, puwede mo ba akong sampolan? We have all the ingredients for a sweet and soothing recipe. I want to have a Belgian Waffles with a scoop of Ice Cream and Maple Syrup, plus Chocolate Milkshake!”   Sagli lang siyang natigilan at agad namang kumilos para ibigay ang order nito. Umupo ito sa harap ng counter at pinagmamasdan siyang kumilos. Una niyang ginawa ang waffles, at habang hinihintay niyang maluto ang waffle ay saka niya ginawa ang Chocolate Milkshake nito, hindi siya nahirapang hanapin ang mga equipements na kailangan niya dahil pamilyar na siya sa mga iyon. Araw-araw ba naman iyon ang lagi niyang pinapanood sa youtube. Nang maihanda ang Milkashake ay kumuha siya ng isang scoop ng vanilla ice cream, saka niya nilagyan ng chocolate syrup at sa ibabaw ay ang shavings ng chocolate.   Kumuha siya ng mahabang kutsarita at inuna iyong sinerve bago niya binalikan ang waffle at iyon naman ang tinimplihan niya. Pagkatapos mailagay sa isang malinis na pinggan ang waffle ay kumuha siya isang scoop ulit ng vanilla ice cream at saka niya nilagyan ng maffle syrup.   Wala pang tatlong minuto  ay nai-serve na niya ang mga order nito.   “All done,” nakangiti niyang sabi at hinintay itong tikman ang mga gawa niya.   Tumango naman ang babae at parang natakam sa preparasyong ginawa niya.   “This is good!” bulalas nito nang matapos tikman ang ginawa niyang milkshake.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD