CHAPTER 9 “That’s enough,” awat ni Jackson at pumagitna sa dalawang lalaki. Mabilis naman siyang kumuha ng tray at lumapit kay Jeru. “Ilagay mo na lang dito ang mga bubog, Je—I mean, Sir. Baka masugatan pa kayo,” sabi niya rito. Mataman siyang tiningnan ni Jeru bago siya lampasan at dumiretso sa loob ng kitchen. Naiwan naman sila doon na pinagtitinginan na. Nag-iinit ang pisngi niya dahil sa unang araw pa lang niya sa trabaho niya ay may ganito na’ng eksena. “Sarmiento. Can you leave this Bar with your friends? Huwag niyo nang hintayin pang tingnan ko ang CCTV footage at iparating ito sa Guidance Office,” malamig ngunit kalmadong turan ni Jackson. “Okay ka lang ba?” Lumapit si Jacque sa kanya at tsinek ang katawan niya. “O-Okay lang ako, wala namang nangyari—” “Huwag mo nang pagtakp

