CHAPTER 40 (I)

1122 Words

CHAPTER 40 Pagkatapos ng nalaman niya kay Jeru ay hindi alam ni Madeline kung paano magre-react. Sa umpisa ay ayaw niya sanang paniwalaan ito ngunit nang marinig ang call recording sa cellphone ng lalaki ay hindi nga maipagkakailang siniraan nga siya nito. Paano niya iyong nagawa sa akin? I thought we’re friends . . . “Hey,” untag ni Jeru. Naramdaman niya ang kamay nito sa kamay niya ngunit hindi niya ito nilingon. Nasasaktan siya. Kahit pa sabihing maikling panahon pa lang silang nagsasama ni Nia sa iisang bubong ay itinuring na niya itong matalik na kaibigan. Ni minsan ay hindi niya ito pinag-isipan ng masama at handa pa nga siyang ipaubaya dito ang lalaking nagugustuhan rin niya. Narinig niya ang marahas nitong pagbuntonghininga. “I’m sorry . . .” Umiling siya saka tumingin dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD