Chad's POV Halos paliparin ko na ang kotse ko marating ko lang ang bahay nila jenica, alam ko kasi sa mga oras na ito iba ang nasa isip ni shine, kaya dapat ko itong makausap dahil baka isipin nito na niloloko ko ito at ginagawa ko lang biro ang relasyon namin. Paliko na ako sa iskinita kung saan naroon ang bahay ni jenica nakita ko agad si shine naka upo sa batuhan habang kasama si kingOne. Anong ginagawa ng taong ito at narito ito? Mabilis kong ipinarada ang kotse sa may gilid at saka ako mabilis na bumaba para lapitan ang mga ito. Maya maya lang ay nakita agad ako ni kingOne na palapit kaya naman tumayo na ito at hinantay akong makalapit. At ng tuluyan na akong makalapit ay saka ako nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa saka ako nagsalita. halatang ikinagulat naman ni shine ng mar

