"Ms. Batungbakal, may problema ba?" tanong sa akin ni Mrs. Bungkaras dahil bigla na lang akong sumigaw paglabas ng banyo.
"Ahh..." Nagkamot ako ng ulo habang awkward na tumatawa. Napahiya na naman kasi ako sa katangahan ko, eh. "Wala naman po, nagwapohan lang ako sa bago naming classmate." Pagpapalusot ko at nagtawanan naman ang mga classmate ko.
Psh! Mga abnoy talaga...
Pero nagulat talaga ako. Promise!
Paano ba naman kasi... Si Knight na bago naming kaklase at ang lalaking na-encounter ko kagabi ay iisa.
Bakit ko nasabi?
Kasi gwapo siya kagabi pero mas gwapo siya today.
Hala ka na! What a small world after all...
"Go back to your seat, Ms. Batungbakal. Ikaw naman, Mr. Samaniego, doon ka na muna pumwesto sa dulo." Tinuro ni ma'am ang bakanteng upuan sa dulo.
Sabi ko kagabi na magpo-focus na ako sa pag-aaral pero hindi ko naman magawa ngayon dahil parang may invisible na pwersa na humihigop sa atensyon ko papunta kay Koyang Pogi.
Kahit bago pa lang kasi s'ya pero mukhang may ibubuga na. S'ya iyong tipong matalino kapag tinitingnan pero mas matalino kapag nasubukan.
Mabilis naman na natapos ang morning class kaya papunta na kami sa canteen.
"Ohh..." Inabot ko sa dalawa ang binake ko na cupcakes.
"Ano 'to?" Si Philip. Nakatingin naman sa akin si Maru.
"Suhol," sagot ko.
"Suhol? Para saan?"
"Biro 'yon kaya 'wag kang praning."
Binalingan ko si Maru. Ang tahimik n'ya today tapos may tinititigan pa siya.
Sino ba'ng tinitingnan ng kaibigan kong 'to?
Pinaliit ko ang dalawa kong mga mata at bumaling sa direction kung saan nakatingin si Maru.
"Bibili na muna ako," presinta ni Philip sabay tayo kaya nabaling ang attention ko sa kanya.
"Manlibre ka na lang ng drinks dahil nagbaon ako at nagluto si Kuya Rick."
"Eh kung ganoon, masarap 'yang baon mo?"
"Aba'y natural. Sige na bumili ka na," pagtataboy ko sa kanya dahil balak ko talagang kausapin si Maru. "Psst!" sitsit ko sabay kalabit sa kanya.
"Why?"
"Ikaw, ha? Sino tinitingnan mo?" tanong ko kahit na alam ko naman kung sino ang tinitingnan n'ya talaga.
Hindi s'ya sumagot bagkus ay nagpatuloy lang sa pagtitig sa bago naming kaklase.
"May gusto ka ba sa kanya?"
"Wala." Hindi s'ya nag-blush kaya alam kong totoo ang isinagot n'ya.
"Naaawa?"
"Hindi rin." Bumaling ang atensyon n'ya sa akin. "Ano naman ang nakakaawa sa kanya?"
"Wala. Kaso ay tingin ka nang tingin sa kanya, eh, kaya naisip ko na may gusto ka sa kanya o hindi kaya ay naaawa."
"Hindi. Na-amaze lang talaga ako sa kanya dahil nagpupursige s'yang makapag-aral."
"Ha?" Medyo slow ako kaya hindi ko na-gets ang ibig niyang sabihin.
"Lahat ng nag-aaral dito ay mayaman."
"Hindi, ah. Hindi naman ako mayaman."
Umismid s'ya. "Oh, sige. 99.9 percent ng nag-aaral dito ay mayaman, ano masaya ka na?" Tumango naman ako at ngumisi. "Kanina, bumilib talaga ako sa kanya dahil hindi n'ya ikinahiya na bukod na s'ya ang bago nating kaklase ay inamin n'ya rin na s'ya ang bagong janitor natin. Hindi ba nga at pinagtawanan pa s'ya pero wala lang sa kanya ang naging reaksyon ng mga kaklase natin. Hindi s'ya nahiya at wala rin namang dapat ikahiya dahil marangal na trabaho naman ang pagiging janitor. Nag-aaral s'ya at nagtatrabaho at the same time at nakita mo naman kanina na may ibubuga s'ya. Kung nagtatrabaho s'ya at pumapasok ibig sabihin willing talaga s'yang makapagtapos hindi katulad ng halos karamihan sa students dito na peteks lang at nilulustay ang pera nila dahil nga mayaman sila."
Sa dami ng sinabi ni Maru ay ang salitang PERA lang ang nag-register sa utak ko.
Pera! Oo nga pala. Hindi ko natingnan ang ilalim ng upuan ko kanina!
"Hoy!" untag n'ya sa akin kasabay pa ng pagkalabit. "Nakikinig ka ba?"
"Ahh, oo naman," sagot ko na lang dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang ginawa ko kahapon at baka madamay pa sila sa kagagahn ko. "Para s'yang Amboy, ano?"
"Hmm... Mukha nga siyang Amboy. Kaya nga mas nakakabilib dahil kahit gwapo s'ya, hindi s'ya maarte."
"Edi, crush mo nga?"
"'Wag mong ipaggiitan ang gusto mo, Kay, dahil imposible 'yang naiisip mo."
"Okay."
Nang hindi na umimik si Maru ay tinitigan ko si Knight.
Gwapo nga talaga s'ya!
Hanggang batok ang may kahabaan n'yang itim na itim na buhok. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Matangkad din s'ya; 6 footers yata. Maganda ang kulay brown na mata na pinarisan ng mahahaba at makapal na pilik-mata. May kakapalan ang kilay na mas lalong bumagay sa mukha n'ya.
Kung hindi nga namin alam na janitor s'ya ay mapagkakamalan naming mayaman s'ya dahil maputi at makinis ang balat. Pino rin kung kumilos at magsalita.
"Ohh, mga mahal na prinsesa, nandito na ang request n'yo." Inilapag ni Philip ang in-order n'ya at inilabas ko naman ang baon kong ulam at kanin.
"Ang dami n'yan, ah." Si Philip na tinulungan pa akong ilabas ang mga pagkain.
Bale apat na tupperware kasi ang ipinabaon nila Papa bukod pa sa pinaglagyan ng mga cupcakes.
"Natural dahil kung kaunti lang ang dinala ko baka ako lang ang kumain. Kain na tayo."
Magsisimula na sana kaming kumain nang magsidatingan ang grupo ng mga mayayabang sa pangunguna ni Paul at kasama n'ya pa talaga ang prinsesa ng mga higad!
Si Althea. Ang prinsesa ng mga makakati!
"Hoy, pare!" Si Paul na hindi pwedeng maging ruler. Tinapik pa nang malakas sa likod ang kasalukuyang kumakain na si Knight. "Pakilinis nga noong room namin dahil masiyadong—"
"Hoy!" malakas na sigaw ko kaya hindi naituloy ni Paul ang sasabihin n'ya sana. Nagtinginan naman sa akin ang lahat ng students na kasalukuyang ninanamnam ang mga kinakain nila. "Talagang wala kayong pinipiling lugar at oras para mangbulastog, eh, no? Kahit nananahimik 'yang tao pinagti-trip-an n'yo!"
"Eh, ano naman sa 'yo?" mataray na sabi ni Althea kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.
"Ano naman sa akin? Nakakawalang gana kayo sa pagkain!"
"Aba't sasagot ka pa talaga!"
"Natural, may bibig!"
"Gusto mo yatang masaktan, Shrek?" Nagtawanan naman ang iba istudyante sa itinuran ni Paul sa akin. Lalapit sana sila sa pwesto namin nang tumayo si Maru.
"Sige! Subukan n'yong saktan ang kaibigan ko! Ipapatapon ko kayo palabas ng teritoryo ko! Ora mismo!" galit na sigaw ni Maru sa kanila.
"Ha? Bakit hindi mo pagsabihan 'yang animated mong kaibigan! Hindi naman BBQ pero nakikisawsaw!" Naka-crossed arms pa talagang saad ng gaga.
"Nasaan na ba 'yong cp ko?!" pananakot ko pa at kunwari ay hinahalungkat ang bag ko kaya walang nagawa ang gaga kung hindi ang mag-walk out kasama ang mga alipores niya.
Panis pala ang mga iyon, eh!