Patay na talaga ako nito ngayon! Bakit ka kasi umamin, Kakay na maganda? Na-corner na kasi ako, eh... Para na akong baliw dahil sarili kong tanong, sarili ko ring sagot. Nabubuang na talaga ako. Feeling ko tuloy pinagpapawisan ang kilikili ko kahit nilalamig ako dahil sa sakit ko. Help me, Papa Jesus. Magpapakabait na po ako. Promise! "Iyon naman pala, eh. Hayaan niyo na," natatawang sabi ni kuya Gino kaya halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Pulis siya, remember? Teka nga. Tama ba talaga ang narinig ko? Sinundot-sundot ko ang tainga ko at—Yucks! Kakadiri! May nadala kasing dumi kaya hinipan ko na lang. Back to the reality na nga lang ako. Napangiti ako dahil mukhang hindi ako masasabon ngayong oras na ito— "Gino!" saway ni papa. Ngek! Nandito na ang judge

