KABANATA 8: PANGALAN

2391 Words
YANESSA’S POV PAREHO KAMING naghihintay ng lalaking multo sa labas ng pintuan ng opisina ng Dean ng engineering department. Si Tony ay dean’s lister at malapit sa mga professors kaya sa kanya ako humingi ng tulong na makuha ang official list sa bawat departamento ng University. “Maraming salamat po, Dean.” Narinig kong usal ni Tony habang sinasara ang pinto ng opisina. Agad akong napaayos ng tayo, habang si Ghost ay tamad lang na nakahilig sa pader. “Nakuha mo ba?” agad kong tanong sa kanya matapos lumapit. Ngumiti ito at pinakita sa akin ang malapad na papel. “Lahat ng engineering students ay nandito. Ano nga bang balak mong gawin diyan, Yanessa?” takang tanong niya sa akin. Sinuri ko ang mga pangalan, marami akong Yuan na pangalang nabasa. Sa bawat course yata na napuntahan ko, sa engineering department ang maraming kapangalan ni Ghost ang natagpuan ko. “Kailangan lang,” wala sa sariling sagot ko sa kanya dahil abala sa pagbabasa ng mga pangalan. “Salamat nga pala sa tulong.” “Walang anuman. Basta yung date natin wag mong kakalimutan.” Napaangat ako ng tingin kay Tony at nagtataka sa sinabi niya. Pero mas nakuha ni Ghost ang atensyon ko sa bayolenting reaksyon nito. “Biro lang,” nahihiyang tawa nito at umiwas ng tingin. “Basta kapag may kailangan ka, sabihin mo sa akin. Baka matulungan din kita.” Tumango si Tony at naroon pa rin ang hiyang ngiti sa labi niya. Sinulyapan ko si Ghost na tila kanina pa naiinip. “Ayos na sa akin na maging magkaibigan tayo. Sa katunayan, gusto talaga kitang kaibiganin pero parang ang sungit mo kaya nahihiya naman akong kausapin ka.” Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad, si Ghost ay tumabi na rin sa akin at minsan ay napapasulyap sa papel na hawak ko. “Hindi rin naman kasi ako palakaibigan,” tipid kong sagot. Napansin ko ang mabilis na lakad ni Ghost kaya nauuna ito sa amin ni Tony. Nakita ko ang paghinto nito at paglingon sa aming dalawa. “Ang bagal niyo naman maglakad. May next subject ka pa, Yanessa,” inip na usal ni Ghost sa akin. “Edi mauna kana,” hindi ko mapigilang isagot dito na siyang ikinataka ni Tony. “Ano?” takang tanong ni Tony. Mariin akong napapikit, ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong magsalita ang multong ito kapag may kasama ako. Sinabi ko na sa kanya na tumahimik siya kapag may kasama kaming iba. “Ang ibig kong sabihin, mauna na kami.” “Kami?” takang tanong muli ni Tony. Gusto kong pukpukin ang ulo ko at ibalik sa tamang wisyo. “Oo, kami. Kaming dalawa,” tumatangong sagot ni Ghost. “Ako. Mauuna na ako. Salamat dito.” Mabilis akong naglakad papunta sa department namin habang iritado sa kasama kong multo na nililibot ang tingin sa bawat dinadaanan namin na tila nasa isang parke at namamasyal. “Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ang dapat mong gawin,” usal ko sa kanya dahilan para maputol ang tingin nito sa mga grupo ng kababaihan na nasa bench nakaupo. “Ang alin?” takang tanong niya at naroon pa rin ang tingin sa mga freshmen students. Matalim ko siyang tinitigan. “Oo naman! Hinahanap ko na si Yuan, si Yuan na kakambal mo,” agad niyang usal nang makita ang matalim kong titig. “Alam mo, tingin ko, babaero ka,” puna ko dito dahilan para marahas na bumaling sa akin ang buong atensyon niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa reaksyon niya ngunit pilit na sumeseryoso. “Dahil guwapo ako?” Tuluyan na akong napasimangot sa sagot niya. “Hindi lahat ng babaero, guwapo,” pagkontra ko dito. Tumayo siya sa harap ko at doon huminto. Nasa gitna kami ng hallway, tiningala ko siya. “Tingin mo, may itsura ba ako?” seryosong tanong niya at umangat ng konti ang gilid ng labi. Tinitigan ko ang mukha niya, hindi ko maipagkakaila na maganda ang hubog ng katawan nito lalo na at matangkad siya. Mata lang ang may kulay sa kanya ngunit masasabi ko na may itsura siya, paano pa kaya kapag nakita ko siya na ganap na tao? “Hindi ko mawari, wala kang kulay,” pagsisinungaling ko at nilampasan ito. Sumunod naman siya sa akin na nakapamulsa. “Kapag kailangan mo ng tulong sa math, nandito ako. Tutulungan kita,” marahan niyang bulong na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking damdamin. “Psh. Ano namang alam mo? Sa pangungulit ka lang magaling,” tanging sambit ko. Humalakhak siya at napailing. NILAPITAN KO SI Margie na nakahiga sa kama, gabi na at kakatapos lang naming kumain. Yung multong kasama ko ay nakaupo sa upuan sa study table namin ni Margie. “Gagamitin mo yung laptop mo ngayong gabi? Hihiramin ko sana.” Tumingala si Margie sa akin. “Bakit? May activity ba na binigay? May report ka bang gagawin?” Mabilis akong umiling. “Magre-research sana ako, para doon sa mga lessons na hindi ko maintindihan,” pagsisinungaling ko. Umupo siya at kinuha ang laptop sa bag. “Pwedi kitang tulungan, para mas madali kang matapos,” suhestiyon nito. “Hindi na,” mabilis kong tanggi habang yakap ang laptop niya. “Kaya ko na. Matulog kana lang diyan, hindi rin naman ako magtatagal.” Iniwan ko na siya sa kama at umupo sa study table ‘tsaka nilapag ang laptop. Binuksan ko iyun habang nasa tabi ko si Ghost na naghihintay. Lahat ng Yuan na may pangalan sa listahan ay ise-search namin sa f*******:, kung may makita akong kamukha niya malamang si Ghost na iyun. “Paano kung wala diyan?” Blangko ko siyang sinulyapan at nagsulat sa notebook. -Titignan nga natin, huwag mong pangunahan ang mangyayari- Doon ay tumahimik na rin siya. “Yuan Alcantara, Yuan Valdez, Yuan Hernandez,” bulong ko habang nagtitipa sa keyboard. Sinulayapan ko si Margie at mahibing na itong natutulog. Humikab ako at muling tinignan ang listahan na may mga-tsek na at wala pang tsek. Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng malamig na hangin sa mukha ko. Dahil doon ay nawala ang antok ko at bumaling sa katabi ko na nakapangalumbaba habang hinihipan ang mukha ko. Napakunot ako ng nuo. “Anong ginagawa mo?” mahinang usal ko sa kanya. “Matulog kana, bukas na natin ito ipagpatuloy.” Nakikita ko ang ngiting tinatago nito sa labi. Inirapan ko lang siya at isinara ang laptop. “Wag kang mag-alala, tapos na rin naman akong hanapin ang mga Yuan sa school namin. May tatlong Yuan akong nakita na walang f*******:, pero hindi ako sigurado kung isa kana roon,” muli ko siyang sinulyapan at nakatitig lang ito sa akin. “Tingin ko ikaw naman yung tipo ng tao na may facebook.” “Matulog kana, bukas tutulungan kitang mag-review sa ibang subjects mo.” “Hindi na. Kaya ko naman, ang gawin mo lang ay yung pinapagawa ko,” seryosong usal ko at pumunta na sa kama ‘tsaka humiga. KINAUMAGAHAN AY NAGISING ako na may kumot ng nakayakap sa katawan ko, hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sigurado ako na siya na naman ang naglagay nito. “Ang ganda ng gising mo, ah. Mag-ayos kana, may exams na tayo sa susunod na araw. Baka hindi ka pa nakakapag-review,” usal ni Margie na kakatapos lang maligo. “Saan ang punta mo? Sunday ngayon,” usal ko nang mapansin ang maaga nitong pagligo at nakaayos pa. “Susunduin ko yung mga kaibigan ko. May foodtrip kami dito sa kuwarto, ayos lang ba?” Balak ko sanang mag-review sa araw na ito. “Akala ko ba magre-review ka?” Sinulyapan niya ako. “Tapos na ako, nung isang araw pa. Bakit? Hindi ka pa nakakapag-review?” namilog ang mga mata niya. “Aba, Yanessa! Sa lunes na ang exams.” “Pupunta ako ng library ngayon. Doon ako magre-review,” tipid akong ngumiti ‘tsaka bumangon na. Nilibot ko ang tingin sa buong kuwarto ngunit wala yung Multo dito. Nasaan naman kaya yun? PAGPASOK KO SA library ay agad kong nilabas ang mga gamit ko upang masimulan na ang pag-review. Sa gilid ako pumuwesto, kung saan walang tao. Hindi rin naman kasi ganun kadami ang estudyante dahil Sabado. Sa kalagitnaan ng pagre-review ko sa Math ang siyang pagsulpot ni Ghost. “Mali yan.” Halos mapatalon ako sa gulat nang makita siya sa tabi ko. “Anong ginagawa mo rito? At saan ka pumunta?” “Sinubukang hanapin si Yuan, pero hindi ko siya nakita,” bigong usal niya. “Nandito ako para tulungan ka.” Bigla akong binalot ng hiya. Hindi ko alam kung bakit, dapat nga matuwa pa ako dahil tutulungan niya ako. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya. Nagsimula na akong mag-review habang siya ay nagbibigay explanations tungkol sa mga formula at kung paano iyun i-solve. Pinaglalaruan ko ang ballpen ko nang mag sumagi sa isip ko. “Hindi kaya education student ka? Tapos math ang major subject mo?” “Nakita mo naman yung listahan diba? Wala ako roon.” Crossed-arms itong humilig sa upuan. “Engineering student?” assumption ko. Ngumuso ito at nagkibit-balikat. Napapitik ako ng daliri sa hangin ng may naisip ulit. “Accountancy student,” usal ko pero agad ding napailing nang maalala na hindi rin. “Math teacher!” usal ko at tinuro pa siya. Pinigilan niyang mapangiti sa sinabi ko, maski ako rin ay natawa na sa naisip. Hinilig niya ang isang kamay sa likod ng aking upuan at mas lumapit sa akin ng konti. “Tingin mo?” bulong niya. “Oo. Magaling ka sa math, magaling ka pang magturo. Yun ang nakikita kong koneksyon nating dalawa. Teacher ka, ako naman soon to be teacher,” hindi ko maiwasan na mapangiti sa naiisip. Nang mapansin ko ang pagtahimik niya ay tinignan ko siya at naabutan kong nakatitig ito sa akin. Hindi nalalayo ang pagitan namin sa isa’t-isa. “Ba-bakit?” takang tanong ko. “You seems hopeless. Pero nung binanggit mo yung salitang soon to be teacher, I can see how bright your dreams,” marahan na bulong niya sa akin. Nahihilo ako sa mga titig nito, doon ko rin napagtanto ang ayos naming dalawa na sobrang lapit. Lumayo ako ng konti at umiwas ng tingin ‘tsaka binuklat ang libro. “Tapos na tayo dito, diba?” tanong ko nang hindi makatingin sa kanya at bumalik sa pagseseryoso. Binuklat niya ang pahina ng libro gamit ang daliri nito dahilan para mas lalong lumapit sa akin ang mukha niya. Nakaramdam ako ng lamig dahil doon. “I can even touch things because of your smile,” humalakhak ito at tinuro ang bagong topic, siguro ibig niyang sabihin ay lumakas siya dahil sa galak na nadarama ko. “Dito na tayo, Miss Francia,” usal nito sa pormal na boses na akala mo isang guro. Pabirong inirapan ko na lamang siya at pinagpatuloy namin ang kanina pang ginagawa. PAGKAUWI NAMIN ni Ghost ay naabutan namin sa boarding house ang mga kaibigan ni Margie na hindi pamilyar sa akin. Sinalubong naman ako ni Margie at agad ding lumabas para bumili ng pagkain. Naiwan ako kasama si Ghost at mga babaeng kaibigan ng pinsan ko. Narinig ko ang pabirong sipol ni Ghost matapos titigan ang mga kababaihang nakaupo sa sahig at pinapagitnaan nila ang sandamakmak na pagkain. Ngunit agad ding naputol ang pag-irap ko kay Ghost sa biglang tawanan ng mga kababaihan matapos akong sulyapan. “Totoo?” narinig kong bulong ng isang babae na hanggang balikat ang buhok at nagtawanan sila. “Nakita mo yung libro? Weird,” usal pa ng isang babae at sinundan pa ng mahinang tawa. Umupo ako sa kama at hindi na pinansin ang mga kababaihan. Hanggang sa nakuha muli nila ang atensyon ko nang marinig ang hiyaw sa sakit ng isang babae. “s**t! Ano ba yan!” Nakita kong ang babaeng morena na minamasahe ang balikat niya. Doon ko napansin ang garapon ng asin na nasa lamesa sa tabi niya ang nahulog at mukhang tumama ito sa balikat niya. “Ayos ka lang?” tanong ng kaibigan nito. “Masakit. Kainis naman!” reklamo pa nito. Sinulyapan ko si Ghost at nakita kong papalabas na ito ng pintuan habang nakapamulsa. Mabilis akong naglagay ng gamit sa bag ko ‘tsaka nagmamadaling lumabas. Naroon si Ghost sa labas, nakatayo at pinaglalaruan ang bato. “Tara,” aya ko dito. “Saan?” takang tanong naman nito. Hindi na ako sumagot at sinenyasan siyang sumunod. Sumakay ako ng tricy kasama siya at bumaba sa burol ng Immaculate. Inakyat namin ang daan pataas ng bundok. Hindi naman ganun kalayo ang pupuntahan namin. Hanggang sa lumabas kami sa isang napakalaking lighthouse matapos ang paglalakad sa gitna ng bukid. “Akyat tayo,” usal ko. Tumango naman siya at sumunod sa akin. Napakataas ng lighthouse, sakto at alas tres y media na ng hapon, maaabutan pa ang paglubog ng araw. Hinihingal ako matapos ang mahabang hagdan na inakyat, habang ang kasama ko naman ay walang bakas ng pagod ang mukha. Bumungad sa aming dalawa ang tanawin ng asul na karagatan ang berding kabundukan. Isang preskong hangin ang umihip sa akin. “Maganda,” sambit niya at sinulyapan ako. Tumango ako at tipid na ngumiti. “Bakit mo ginawa yun?” Kinagat nito ang pang-ibabang labi at napanguso. “Bakit hindi? Pinagtatawanan ka nila,” naging seryoso ang mukha niya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na-appreciate ang ginawa niya sa akin. Maliban kay Margie at sa lola ko, hindi na ako umasa pa na may dadagdag na tao na kaya akong ipagtanggol. Kahit sa ganung paraan. “Mukhang tipo mo yung babae na pinagtatawanan ako kanina. Buti nagawa mo yun sa kanya,” biro ko ngunit nanatili ang seryoso sa mukha nito. “Sa pagkakataong ito. Ikaw lang ang pinakamahalaga sa akin, Yanessa. Sayo nakasalalay ang buhay ko.” Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya, lalo na sa tono ng pananalita nito. Nakikita ko kung gaano siya kaseryoso sa mga sinabi nito. Pakiramdam ko ay uminit ang damdamin ko. “Dahil tinutulungan kita.” “Dahil sayo ako dinala. At naniniwala akong may rason kung bakit ikaw ang pinili na makausap at makakita sa akin,” pagtatama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD