Zaire
"You are insane."
He laughed. "Yeah right. I am insane. But that's the only way para matigil na ang kahibangan ng papa mo." I raised an eyebrow on what he said.
"There is another way." I said.
"What is it? Siguraduhin mong maayos." he asked.
I evil smiled. "Suicide. That's the only other way." binatukan niya ako kaya napairing ako sa sakit ng pagkabatok nito sa akin.
"That's bullshit, man. Baka ako pa ang pumatay sa'yo. Pero dahil mabait ako at tiyak na gwapo, ayaw ko naman madungisan ng pagkatao ko."
Nagpagwapo ito sa akin, bagay na nakakadiri. Tss.
"Basta pag isipan mong mabuti ang sinabi ko, Zaire."
Hindi ko na ito pinansin at kinuha ang aking telepono sa aking bulsa.
No messages from my family. They don't really care about me, huh? Pinatay ko na ito, may halong panglulumo, saka ko iniwan si Clarence na iiling iling papunta sa kwarto nito.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at inisip ang sinabi ni Clarence kanina. Paghanap ko nga ba ng asawa ang natatanging paraan para hindi matuloy ang kasal? Pero sino? Hindi ko naman hahayaan na hindi ko kilala ang mapapangasawa ko kung ganoon, hindi ako ganoon katanga.
Pero sana... sana kaya kong gawin ang bagay na iyon.
Ilang araw na ang lumipas at nakauwi na rin ako sa aking pad. Pinalipas ko lang rin talaga ang init ng sitwasyon kaya ako nanatili ng halos tatlong gabi sa kay Clarence.
Hindi ko lamang talaga natiis ang kakulitan ng kanyang kapatid na si Clarentine kaya ako'y umalis na roon. And about that wifey thingy. I already thought about it. I'll do it. Ngunit hindi ko pa ito nasasabi kay Clarence. Hindi pa kasi ako nakakahanap ng aking mapapangasawa or fake wife. Ibig sabihin, sa papel lang, no involved feelings.
Kinuha ko ang aking telepono sa mesa nang tumunog ito, hudyat na may tumatawag rito. Nakita kong si Clarence ito kaya agaran ko itong sinagot.
"Yow man!" anito sa kabilang linya.
"Yow..."
"Have you thought about it?"
"Yeah. Tss."
"Then...pumapayag ka na?"
"Yeah. Probably."
"Yesss! Sabi na e! Di mo rin kakayanin na walang gawin!" masayang sigaw nito.
"You're too loud."
"Correction, gwapong maingay! Haha! So nakapag isip ka na ba kung sino ang fake wife mo?" he asked.
I sighed. Wala pa talaga. At hindi ko pa alam kung sino. "Tss. Wala pa." I answered.
He sighed. "Mahirap yan, bro! Alam ko namang ayaw mong bigla nalang tayo manghila ng babae tapos pakasalan mo agad." Clarence said.
I nodded. "Can you find for me?" my question made him laughed. He is crazy. Why am I even friends with him?
"Of course bro! Hope?"
Nabigla ako sa sinabi nito. What an insensitive asshole. "No." sagot ko.
Humalakhak ito, nang aasar. "Come on, man. Di ka pa ba nakakamove on sa babaeng iyon?" he asked.
I annoyingly answered him. "I moved on, ikakasal na yung tao so shut the hell up. Next." utos ko.
"Vanessa?"
"No."
"Azean?"
"No way. She's a friend."
"Dane?"
"Definitely no. She is my childhood friend, Rence. Ano ba."
"Tss. Arte nito. Mary?" aniya pa.
"Idiot. Mag mamadre iyon."
"Ay ganun ba?" humalakhak ito.
Tss. "Rosiel?"
"I'd rather die than marry her."
That Rosiel he mentioned was my college blockmate who has a crush on me. Galing iyon sa mental, grr.
"Haaaaaay! Naubusan na ako ng pangalan. Ang arte mo kasi, man! Di naman ikaw ang pinakagwapong lalaki sa mundo! Ano bang gusto mo? Twins?" aniya pa. I rolled my eyes. Wala ata ito sa matinong pag iisip.
"Tss. Mag isip ka kasi ng maayos."
"Oo na! Eto na!" anito at nag isip pa ng may tunog. "Tol...may naisip na ako kung sino." sabi nito.
"Who?" I asked.
"Clarentine." he answered. What? Is he insane? Binubugaw niya ang kanyang sariling kapatid sa akin? Para sa isang kalokohan na gagawin namin?
"Gusto mo bang patayin ka ng nanay mo?"
He chuckled. "Mom wouldn't do that. Mawawalan siya ng gwapong anak pag nangyari iyon. Tsaka Clarentine seems to like you. I can see it. Why not try, diba?" he joked.
"Hindi ako pumapatol sa may gusto sa akin, Clarence."
"Tss. Bahala ka sa buhay mong makasal dyan. H'wag na h'wag mo kong tatawagan para ayain akong best man! Hmp!" pinatayan ako nito ng tawag. Napailing iling na lamang ako sa kanya.