CHAPTER 99

1525 Words

Marahang nagmulat ng mga mata si Lena. Bahagyang madilim ang paligid na kaagad nagbigay sa kaniya ng ibayong kaba. Sumugid rin ang lamig sa kaibuturan niya, lamig na hindi niya alam kung saan nagmumula. Huling naalala niya ay ang mukha ni James habang nakahandusay sa harap niya na dilat ang mga mata at umaagos ang masaganang dugo nito sa dibdib. Kaya naman halos mapaiktad siya at mapasigaw sa takot nang may malamig na kamay na dumapo sa dibdib niya. Nanigas siya at bahagya siyang hindi makagalaw. Kulang na lang ay pumikit din siya sa takot na naramdaman. Ilang minuto rin niyang pinakiramdaman ang malamig na bagay na dumapo sa dibdib niya bago siya magpasya na dumilat at alamin kung ano iyon. Sari-saring emosyon ang naglalaro sa utak niya. Nang makadilat ay dahan-dahan niyang pinihit ang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD