“Take care of yourself, ok,” bilin niya kay Lena. Nasa tapat siya ng bintana at papaalis na naman. Ayaw man niyang iwan ang babae na mag-isa ay wala naman siyang pagpipiliin kung hindi ang umalis. Babalik na lang siya bukas na bukas din kung may pagkakataon. Inabot na siya ng dilim, ni wala na ring nagawa si Lena kanina. Pagkatapos nitong asikasuhin ang anak nito sa kabilang kwarto habang naghihintay lang siya sa loob ng silid, bumalik din kaagad ang babae. Maghapo silang magkasama. Pilit na sinusulit ang mga nawalang sandali nila sa piling ng isa't isa. “Ikaw ang mag-iingat palagi. Huwag palaging mainit ang ulo mo. Kilala kita Kentoy, iwasan mo na ang pakikipag-basag-ulo,” saad nito. Napakamot tuloy siya ng ulo ng wala sa oras. Katulad pa rin ito ng kaniyang ina kung makasermon. Wagas k

