“Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ng mga tao rito sa loob.Dumating ang ibang mga Elders at gusto ka nilang makausap," imporma kaagad ni Akino sa kaniya nang makabalik siya sa loob. Pawis na pawis siya at daig pa niya ang sumabak sa sparing. Hinihingal pa nga siya ngunit sa halip na mabwesit dahil may haharapin na naman siyang tao ay nakuha pa niyang ngumiti. The he cares, kung may mga naghihintay sa kaniya. "Bakit ganyan ang hitsura mo? Nakipag-away ka ba sa labas?" Muntik na siyang matawa sa tanong ng dalaga sa kaniya. Kung alam lang nito na ibang away ang pinaggagawa niya malamang ay masesermunan siya nito dahil inuna pa niya iyon kaysa sa mga taong nakikiramay. Alam niyang hindi ito ang tamang lugar at panahaon para sa ginawa nila ni Lena pero wala na siyang magagawa dahil

