Chapter XL Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko sa mga bawat letratong nakikita ko sa social media dahil sa mga kumakalat na balita tungkol kay Ryuu at Natalie. Kung kanina ay napigilan ko ang sarili ko na umiyak sa harap ni Clarissa sa takot na magtaka siya, ngayon ay hindi ko na pinigilan pa ang mga luha ko. Pinunasan ko ang luha ko. Nasa library ako kanina dahil baka sakaling makapag-isip ako ng maayos pero naisip ko na mas magandang tumambay sa rooftop kapag ganito. Akala ko ay lilinaw na ang isipan ko kapag nasa tahimik na akong lugar pero hindi pa rin pala. Lalo lang lumala ang bumabagabag sa utak ko. Alam kong nangako ako kay Ryuu na hindi ako maniniwala sa mga sinasabi sa mga balita dahil minsan ay may halo na itong impormasyon na hindi makatotohanan. Media play, ika nga. Per

