Chapter XXXIV Kahit malungkot dahil sandali ko lang sila nakasama, kailangan na umalis ni daddy at ni kuya dahil hindi naman nga sila pupwede magtagal. May naiwan silang negosyo roon na sadyang espesyal kay daddy. Ang sabi niya sa akin noon ay magkasama sila ni mommy na itinayo ang negosyong iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinili niya na manatili sa ibang bansa kasama ni kuya nang bumukod ito sa amin dahil iyon na lang ang natitirang alaala ni mommy sa kanya. Ang sabi niya rin sa akin ay dapat niya iyon alagaan hangga’t nandyan pa siya dahil iyon na lang ang magagawa niya para kay mommy. At isa pa, masaya rin naman siya sa ginagawa niya at iyon ang mahalaga. Hinatid namin si daddy at kuya sa airport kasama si Ryuu. As usual naka-disguise siya ngayon para huwag pagkaguluhan ng

