Inis na ibinato ni Kevin ang tungkod sa ibabaw ng kama. Hindi nya gusto ang pakikipag ayos na ginagawa ni Victoria. Malamang ay may hindi gagawing maganda ang babae o may hihilingin itong hindi nya maibibigay. Ito naman asawa nya paniwalang-paniwala sa babaeng iyon. Hinubad nya ang suot na t shirt at nahiga sa kama. Napagod sya at naubusan ng enerhiya sa pakikiharap kay Victoria. Kailangan nyang makaisip ng paraan upang agad mapaalis ang babaeng iyon sa kanila at sa buhay nilang mag-asawa. Sa kaiisip at nakaidlip si Kevin. Nakatulog sya ng may sama ng loob, ni hindi manlang kasi sya sinundan ni Mariana at tuluyan ng inasikaso ang babaeng kinaasaran nya sa baba. “Hmmm…” isang munting ungol ang lumabas sa bibig ni Kevin ng madama ang mga labi ni Mariana sa kanyang labi. Hindi sya dum

