“No, Victoria! Leave me alone!” “Why?! Naiisip ko na kailangan mo ng makakasama sa buhay, Kevin. Nandito naman ako. Ako na lang ang mag-aalaga sa'yo. Kung gusto mo, paalisin mo na yung... sino yun? Maria or Marie, whatever.” Nanguyampit si Victoria sa kanyang braso. Marahas naman na pinalis ni Kevin ang mga kamay nito. Nabaliw na ang babae, ang gusto ay doon na manirahan sa kanya. Never! Namumuhi sya rito. At kung iniisip ni Victoria na may pagkakataon na silang dalawa dahil wala na si Franchesca, pwes nagkakamali ang baliw na babaeng 'to. “Umalis ka na. Ayokong nandito ka. Huwag mo nang hintayin na ipakaladkad pa kita,” mababa ngunit nanggigigil na sabi ni Kevin. Malapit nang maubos ang pasensya nya sa babaeng ito. Kung tutuusin ay wala na syang kaugnayan kay Victoria. Nan

