Lumipas na naman ang isang araw na wala akong ginawa kundi magmukmok lang dito sa bahay. Nandito ako sa kwarto at nagbabasa ng kung ano anong libro. I didn't see Kuya Johnny the whole day. Gusto ko pa naman sana siyang tanungin tungkol sa kapatid niya. I am really excited! Ano kayang pakiramdam ng ganoon? May darating na bago sa buhay mo, hindi kaya awkward iyon? Wala kasi akong kapatid kaya gusto ko ding magkaroon ng bagong parte ng pamilya. Napangiti ako, kahit papaano ay naisip ko na sana nga mahanap na niya, para naman madagdagan ang pamilya namin. Ayon kay Mama, ang mga magkakasama noon ay ang grandparents namin at ang parents ni Mom. Sila umano ang kumuha sa sanggol na kapatid ni Kuya Johnny. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit sila nagkahiwalay. I don't know, pero iniis

