Napakabait ni Migs pero di magawang ipagtapat ni Micon ang nangyari sa kanila ng anak nito natatakot siya bawiin nito ang bahay nila na tinubos nito sa bangko.Ito na lang ang pag aari nila ng kaniyang pamilya. Natatakot rin siya para ipaalam dito na hinayaan niya ang sariling bumigay sa anak nito samantalang siya na ama nito ang pakakasalan niya.Lumalabas na niluluko niya lang ang mabait na matanda.Napakalaking insulto nito sa pagkatao ni Miguel ang bagay na nagawa niya. Hindi niya rin magawang ipagtapat na ang mahal niya ay ang anak nito at hindi ito. Sumang ayon na lang siya dito at inaasikaso na nga ang kanilang nalalapit na kasal.Kumuha ito ng wedding coordinator para sa kanila kasal. Nakapagpasukat na nga siya ng kanyang wedding gown. Napaka elegante ng gown na kanyang napili bag

