Ilang araw lang sila sa isla dahil nalaman niya na tumawag ang ama ni Giane. Pauwi na daw ito galing sa New York. May inasikasong business at meeting na kailangan na personal nitong asikasuhin. Nagtataka man si Micon kung bakit parang walang alam ang ama nito sa nangyari. Nagtataka rin siya kung bakit silang dalawa ang nakasal,gayong ang ama nito ang nakatakdang magpakasal sa kanya. Nakatanggap siya ng tawag sa kanyang Bff na si Sophie. Wala pa lang alam ang ama ni Giane sa kasalang naganap sa kanila.Kinausap pala nito ang anak na asikasuhin ang pag adjust ng kasal nila dahil sa busy ito at hindi pwedeng icancel ang mga meeting nito sa ibang bansa. At nalaman nyang pina re-schedule ng ama nito ang petsa ng kasal,sa dami ng inaasikaso nito. "Oh my god!Bff it means na sinabotahe ng

