"May isa pa akong kuwento, Ms. Heart," ani niya. "Ano 'yon?" natatawang tanong niya sa dalaga. "Kita mo 'yong tattoo sa batok ni, bossing?" tanong niya. Kagaad na napatango si Heart. "Ang totoo niyan iyon ang brotherhood tattoo nila. Si Alfred and friends may tattoo na butterfly sa puwet. Sa mismong gitna ng puwet nila. Kasi may tattoo na alon na may code na roman numerals ako ang inatasang magbigay sa tattoo artist ng organisasiyon. Eh saktong galit na galit at inis na inis ako kay, Alfred nu'ng mga panahong iyon. Ang ibinigay ko ay ang design ko na butterfly. Ni hindi ko naisip na sahihan ang tattoo artist na si, Alfred lang dapat ang lagyan niya nu'n, " ani niya at napapailing. "Tapos?" tanong niya. "Ayun halos kalahati ng tauhan ni bossing may butterfly tattoo sa puwet," natat

