"Doon ka sa gilid 'wag na 'wag kang magkakamaling lumapit sa'kin," matigas na ani niya sa binata. Nakatayo ito sa paanan ng kama at nakatingin sa kaniya ng maigi. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa kabilang side ng kama. "Bakit hindi tayo magkatabi? Paano tayo makarami niyan kung ayaw mong tumabi sa'kin?" seryosong ani ng binata. Agad na tumaas ang kilay ng dalaga at inirapan ang binata. "Asa ka, alam mo ikaw napaka-plastik mo. Napaka-sip-sip sa pamilya ko," asar na aniya tsaka humiga na at tinalikuran ang binata. "Selos ka naman agad, alam mo namang sa ating dalawa mas mahal ako ng family mo," natatawangani ng binata. She rolled her eyes without facing him. "Plastik ka nga diba?" aniya. "Say's who? Ikaw nga riyan walang pakialam sa asawa mo. Nagiging battered husband pa ako,"

