Chapter 6

1144 Words
Kagat ang hinliliit niya na hinihintay si Possy habang nakatayo sa gate ng bahay nila. Secured naman ang bahay nila kahit walang tao dahil napaka high tech ng security subdivision. Pag-aari ito ng Abbas Estate mainly kay Reuchi Abbas. Mabilis na pumasok ang dalaga nang makita ang sasakyan. "Puso, ano'ng nangyari? Ba't aligagang-aligaga ka riyan?" nag-aalalang tanong ni Possy. "Eh, nag-away kami ni, Sebastian. Tara punta tayo sa AMA Arena. Kailangan kong manood. Gusto kong humingi ng sorry. Money, bilisan mo baka nagsisimula na ang laban," nag-aalalang ani niya. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Possy. "Pupunta ka roon na naka-loose shirt at loose pajama?" alanganing tanong ni Possy. "So what? Asawa ko naman ang pupuntahan ko. I'm not going there to show off okay?" inis na ani niya at nagtitipa sa cellphone niya. She texted Sebastian's secretary. Kailangan niyang dumaan sa VIP section para 'di siya makilala. "Hand me my cap and mask," utos niya sa manager. Agad naman nitong ibinigay sa kaniya. "Don't tell me magsusuot ka rin ng shades?" tanong ni Possy. Nilakihan niya ito ng mata. "Of course, hindi puwedeng makita ako sa media," she explained. Possy rolled his eyes at her. "Ayusin nga natin 'yang buhok mo. Baka akalain ni, fafa Seb ginahasa ka," sambit ni Possy. Mabilis na tinampal niya ang bakla na ngumisi lang nang malaki. Ilang minuto lang ay nasa labas na sila ng Arena. Rinig na rinig nila ang hiyawan at sigawan ng mga babaeng pumipila sa entrance. Binigyan naman sila ng direction ni Alfred through text. Sinunod niya ito at nakita ang binata na naka-tuxedo at napaka-stiff. Kaagad na parang inasinang bulate si Possy nang makita si Macho guy Alfred. "Umayos ka," bulong niya kay Possy. "This way Ms. Heart," ani ng binata at inalalayan siyang makapasok. Restricted na sina Possy at Money kaya kailangan nilang pumila sa labas. "Is he fighting now?" nag-aalalang tanong niya. "Yes Miss, he will surely get mad if he sees you here. You know he doesn't want you seeing his fight," ani ng binata. She just shrugged her shoulders. "He wouldn't recognize me. I'll just stay next to you," saad ng dalaga. Tumango lamang ang binata at iginiya siya papunta sa upper side ng arena. Nasa baba ang closed ring at kitang-kita niya ang binata na nakasuot lamang ng black shorts at barefooted. Napakagwapo talaga. Ramdam niyang kumakabog nang malakas ang puso niya. Suot pa rin niya ang shades at cap. Nag-iingat siya lalo na't kasama niya ang secretary ng binata. Mainit sa mata ng media ang lahat ng kinikilos niya. Sigurado siyang may mga paparazzi na parang mga psychopath para lang may makuhang bagong scope. Nakita niya ang ring girl na tumataas ng round at agad na napatayo siya nang lumapit ito sa asawa niya't ngumiti nang pagkahinhin. Kaagad na gumalaw ang panga niya. "Anak ng-" inis niyang saad. Alfred faked a cough and looked at her. Nahihiyang ngumiti siya at bumalik sa pagkakaupo. "Don't worry, Ms. Heart my boss is very loyal to you," saad ni Alfred. Kaagad na nakagat niya ang labi niya upang pigilan ang ngiting gustong umalpas at inipit ang buhok. "Totoo 'yan ha," paninigurado niya. Ngumiti nang tipid ang binata at itinuon na ang pansin sa baba. Kinakabahan ang dalaga habang nakasunod ang tingin sa bawat galaw ng binata sa loob. Napapapikit pa siya kapag natatamaan ang paa at mukha ng asawa niya. Tumatalon din siya sa tuwa kapag nakikita niyang nakakabawi ang asawa niya. Hanggang sa natapos ang round at malaki ang ngisi na napaupo siya. Nanalo si Seb. "Ang galing eh. You're very fortunate you have a good boss," ani niya at nakangiting tinignan ang binata sa baba na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniya. "Uh-oh," ani niya. Mukhang nakita na siya ng asawa niya. Mabilis na lumingon siya sa gilid at nagtago sa likod ni Alfred. "It's no use, Miss, boss saw you already. Let's go to his private room," kalmanteng ani ni Alfred. Tumayo ito at nauna nang maglakad. Sumunod naman siya at nakayuko lamang. Iniiwasan ang mga mapanuring tingin sa kaniya. Lumiko sila at may nakitang all black na design. Natatangi at walang kapareho. May naka-engrave sa taas ng lift na Abbas. Private elevator yata ni Seb. Medyo malayo pa sila kaya hindi niya nakita ang binata na pumasok. May kausap pa ito na sa mga mukha pa lang ay kilala na niya, si Sate at Hard. Natigilan pa siya nang makita itong seryoso ang tingin sa kaniya. Nagdadalawang isip pa tuloy siya kung papasok ba siya o hindi. "Get inside Miss, boss hates waiting," tipid na ani ni Alfred. Napalunok siya't pumasok na sa loob ng lift. Hindi na pumasok si Alfred kaya sila na lamang dalawa ng binata. Ilang beses pa siyang napalunok nang hindi pa rin umiimik ang binata. Wala na yata itong balak na imikin siya. Mas lumalala pa ang kaba niya. Alam niyang kapag ganito ang binata napakahirap paamuhin. The elevator tinged and Seb got out. Naiwan siyang nakatulala. Nilingon siya ng binata at sinamaan ng tingin. "You won't get out?" malamig ang boses na tanong nito. Mabilis na lumabas siya at nginisihan ito. But he just stared at her blankly. Nag-swipe ito ng card key niya at pumasok. Sumunod na rin siya't napanganga. Dumiretso na ang binata sa loob ng banyo at sigurado siyang magbibihis ito. Nakakalula ang private room ng binata. Napakaganda ng interior design. Kulay black and white. Minimalist sa gamit at may mini pantry tsaka isang pinto na sigurado siyang kwarto nito. Mabilis na lumapit siya sa glass window at napangiti. Nakikita niya ang mga city lights at mga bituin sa langit. Nakarinig siya ng pagbagsak ng pinto kaya nataranta siya't nawala ang ngiti sa labi habang nakatingin sa binata na naglalakad papunta sa mini pantry nito. Kumuha ng maliit na baso at nagsalin ng alak na sa pagkakabasa niya ay Jhonny Walker. Uminom ito at gumagalaw ang panga na nakatitig nang maigi sa kaniya. Kinikilabutan tuloy siya sa klase ng titig nito. "Why are you here?" tanging tanong nito. Walang ka emo-emosyon ang mukha. Nanginginig na nilapitan niya ang binata. Napapikit siya nang malakas na binitiwan nito ang hawak na baso. "I never agreed that you will watch my fight," malamig na ani nito. Napabuntong hininga siya. "I..I just want to say sorry about earlier. I know I am not--" "That's not the case here, Marie. I'm asking you, when did I agreed to let you watch my fight?" galit na tanong nito. Masama ang tingin sa kaniya. "Am I not allowed to watch my husband fighting?" naiiyak na ani niya. Sebastian's jaw moved and closed his fist. "You don't understand, Marie," nawawalang pasensiya na ani niya. "Then make me understand," malumanay na aniya. Mabilis na hinablot siya ng binata at nilakumos ng halik. Nanlaki ang mata niya't napapikit. Ramdam niya ang panggigigil nito. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD