Chapter 4

2080 Words
Papikit pikit pa ang dalaga habang naglalakad pababa ng hagdan papunta sa kusina. Ayaw pa niyang bumangon pero kailangan. Nauuhaw na siya. Kumunot ang noo ng binata habang nakaupo sa dining table. Sabog na sabog ang mukha ng dalaga habang ino-open ang refrigerator at nagsalin ng tubig sa baso. Mabilis na kinuha niya ang cellphone at pinicturan ang mukha nito. Nanlaki ang mata nitong makarinig ng shutter sound. Mabilis na itinago ng binata ang cellphone niya. Nakatingin lang sa kaniya si Heart na nakanganga. Ni hindi niya napansin na nandoon pala ang binata kanina. "Ano yun? Kinunan mo ba ako?" yamot na tanong niya. Tumayo ang binata at nakapamulsang tinignan siya. "How lucky of you if I did," seryosong ani ng binata. "Hindi ako bingi," ani niya. "I didn't say that you are," sagot naman ni Seb. Kaagad na napakamot ang dalaga sa ulo niya. "Eh sa may narinig nga ako," giit ng dalaga. "Guni-guni mo lang 'yon," saad ng binata. "You look so gross. Maligo ka nga," saad ng binata at sinamaan siya ng tingin. "Bwesit ka!" ani niya rito at aambahan sana ng suntok. Naalala niyang professional MMA fighter itong kaharap niya. Mabilis na ibinaba niya ang kamay niya. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Seb. "Fix yourself. My friends will be here later. Clean everything nakakahiya kung marumi ang bahay. Your time starts now," ani ng binata at mapaglarong nginisihan siya t'saka tinalikuran. Pakiramdam ng dalaga ay may bakal na nakahawak sa paa niya. Halos hindi niya iyon maihakbang sa bigat. "Faster," dagdag pa ni Seb. Nakatulala pa siya at nakatingin lang sa likod ni Sebastian na paalis ng kusina. Huminto ito saglit at nilingon siya t'saka nginisihan. "The clock is ticking," ani pa nito sa kaniya. Napalunok siya't mabilis pa sa alas- kuwatrong bumalik sa kwarto niya at naligo. Nang matapos ay inuna niyang linisin ang kuwarto niya of course. Ang sala ang CR ang kitchen t'saka ang movie room dahil siguradong manonood lang ng mga laban nila ang mga narcissist na mga kaibigan ni Seb. Kabilang na ang binata sa tinutukoy niyang narci. Halos maligo siya sa pawis kahit kaliligo niya lang. Hapong-hapo na napahiga ang dalaga sa couch ng sala nang matapos. Kinuha niya ang face towel at ipinunas sa katawan niyang puno ng pawis. Sa sobrang pagod ay hindi niya napansing nakatulog pala siya. Naalimpungatan siya nang may marinig na tawanan sa labas. Pagod na napasandal siya sa couch at napangiti nang makitang malinis na ang living room. "And who's this beautiful lady, Abbas?" namamanghang tanong ng lalaking napaka ganda ng katawan. Napalunok siya ng laway nang masilayan ang gwapo nitong mukha. Tinignan niya si Seb na sobrang kunot na ang noo at galit na nakatingin sa kaniya. She didn't mind him though. Hindi na naman niya alam kung ano ang ikinagagit nito. Ngumiti lamang nang malapad si Heart at ikinaway ang kamay. "Hi," bati niya. "What's your name gorgeous?" tanong ng isa pang kasama ni Seb na ganoon din kamukha pa ata si Robert Pattinson ng twilight. Napakagwapo at talaga namang pumuputok ang dmait sa ganda ng katawan. Kamay pa lang maugat na. Nag-aalangang napatayo siya at awkward na ngumiti. Kung nakamamatay pa lang ang tingin kanina pa siya nilalamayan. Ang sama na ng tingin ni Seb sa kaniya. Mabilis na nagbago ang facial expression nito at nilapitan siya. Hinapit at ngumiti sa mga kaibigan. "This is my wife, Heart Marie. Wife these are my friends Hard and Sate," simpleng ani ng binata. Makikipag hand shake sana siya nang maisip na kanina pa siya kuskos dito kuskos doon. Lalo na at kinuskos pa niya ang bathroom sa kuwarto ni Sebastian. "Hello sa inyo, marumi kamay ko eh pasensiya na. Ahm, sige punta muna akong kitchen igagawa ko lang kayo ng maiinom," awkward na aniya at nagmamadaling tumalikod. Nakasunod lamang ang tingin ng mga kaibigan ng binata sa dalaga. "I never thought that you're married man," rinig niyang ani ni Hard. Magkasalubong ang kilay na hinarap niya ito. "Akala ko nga may something sa inyo ni, Selena eh. And now you're married. Ang ganda pa ng asawa mo. She look familiar," dagdag ni Sate. "Don't mind her," ani niya sa mga kaibigan niya. Napaismid ang dalaga nang marinig ang sinabi ng kolokoy niyang asawa kuno. Nagtimpla siya ng juice nang may magsalita sa likod niya. "What the hell do you think you're wearing woman?" kunot ang noong tanong ng binata sa kaniya. Napaigtad siya at napapikit t'saka bumuntong hininga. Ni hindi niya napansing sumunod ito sa kaniya. "Ano na namang mali sa suot ko?" frustrated na aniya at pinasadahan ang suot. Nakapameywang lamang si Sebna nakatingin sa kaniya. "What's wrong with short shorts and a sando? Alangan namang mag pajama ako habang naglilinis," naiinis na sambit niya. "That's a good idea. Go up, change your clothes right now," matigas na anito. Napanganga siya sa turan nito at napahalakhak. "Baliw ka na yata ewan ko sa'yo. Ang init-init ng panahon. Ikaw kaya ang maglinis ng front yard na nakasuot ng pajama ewan ko sa'yo," inis na aniya at kinuha na ang utility tray. "Put that down," ani nito. Masama ang tingin ng binata na kinuha ang utility tray sa kaniya. "Fine," nawawalang pasensiyang ani niya. Nabibwesit na rin siya sa binata. Kung anu-ano na lang ang napapansin sa kaniya. "Go to your room, change your clothes. It's irritating. Or better yet magkulong ka sa kwarto mo," saad ng binata in a very authoritative voice. Mas lalong nainis ang dalaga sa narinig. "You don't tell me what to do," galit na aniya. T'saka niya lang napansin na naka-point out ang kamay niya sa binata. Napalunok siya at mabilis isinubonang kamay at tumalikod. Alam niyang ayaw na ayaw ni Seb na dinuduro. "I'm watching you," seryosong ani nito at nag-cross arms. She rolled her eyes. Anong akala nito, susunod siya?!No way, Seb can be too manipulative to her but she's not Heart Marie for nothing. "Akala mo ha," natatawang aniya. Lumabas siya ng bahay nila at nginitian ang dalawang binata na napakalaki ang ngising nakatitig sa kaniya. Mag-aala Ivana Alawi siya ngayon. Nakangiting pumunta siya ng garage at napahawak sa beywang niya. "Carwash," nakangiting ani niya. Sinilip niya ang tatlo na nag-uusap. Mabilis na binuksan niya ang hose. Pinaliguan ang kotse tsaka kumuha ng bucket na may sabon t'saka sinimulang linisin ang kotse niya. Undeniably she has this very beautiful curvy body, a beautiful face and a very attractive eyes. Napangiti siya nang mapatingin sa gawi niya si Seb at kung kanina ay masama ang tingin nito ngayon ay parang papatay na sa galit. Mas lalo pa niyang inigihan ang paglilinis ng kotse. Nginisihan niya si Seb at kinawayan. "F**k!" Sebastian cursed. Napatingin ang mga kaibigan niya sa kaniya at sa tinitingnan niya. "Damn man. Your wife is so hot," hindi mapigilang puri ni Hard. "Shut up!" nagngangalit ang ngiping ani niya. Hard raised his hands and shrugged his shoulders. Natatawang nakatingin lamang ito sa reaksiyon niya. "I'm sure she's surrounded by men. Knowing that she's a famous actress," komento ni Sate. "Hindi ka ba nababahala man na baka ma-develop siya sa mga co-actors niya? Or ibang mga male models especially that no one knows about your marriage," dagdag ni Hard. Napahawak siya sa ulo niya't napaisip. "Baka isang araw magising ka na lang edi-divorce ka na ng asawa mo since sa America pala kayo ikinasal," sambit na naman ni Sate. Sumasakit na yata ang ulo niya sa mga pinagsasabi ng dalawa. "Hell! Shut up you two. Pinapasakit niyo ang ulo ko," naiinis na ani niya at ininom ang juice na tinimpla ng asawa niya. "We're just stating some possibilities here," nakangiting ani ni Sate na sinang-ayunan naman ni Hard. "Whatever, it's her life. She can do anything with her life. I don't care," naiinis na ani niya. Nagkatinginan naman si Hard at Sate. "What do you mean?" tanong ni Hard. "We're arranged so she can f**k her life whenever she wants to," galit na ani niya at sumama na naman ang tingin sa babaeng inosenteng naglilinis ng kotse. "So it's okay if I will say I like her?" nakangiting tanong ni Hard. Kagaad na kumunot ang noo ni Sebastian. "Not on my wife, Hard Siavern," saad ni Seb at tiningnan nang masama ang kaibigan. "You like her don't you?" tanong ni Sate sa kaniya. Kaagad na napahinga nang malalim si Seb. Naiinis na siya sa dami ng tanongng dalawa. "It's not your f**king business. Why do you keep on asking? Just stay away from my wife. She's off limits," giit pa niya. Nakatingin lamang si Heart sa tatlo na nag-uusap. Mukhang hindi naman tumalab ang pang-iinis niya sa binata. Kinuha niya ang timba at tinapos na ang paglilinis. "Stop that," ani ng isang malamig na boses sa likod niya. Hinarap niya ito at nakalimutang hawak-hawak niya pa rin ang hose kaya deritso ito sa tiyan ng binata. Kaagad na bumakat ang napakagandang katawan ng binata. Napalunok siya at inilihis ang tingin. "S-sorry hindi ko sinasadya," ani niya rito. Natinig niyang bumuntong hininga nag binata nang sobrang lalim. Hinubad nito ang damit niya at nilapitan siya. "A-ano'ng ginagawa mo?" kinakabahang tanong niya. Mabilis na ipinasuot ng binata ang damit niya. "Takpan mo ang dibdib mo. May print naman ang damit ko sa harap at least makita ng mga kaibigan ko na isa lang ang likod mo," sagot ng binata. Kagaad na lumuwa ang mata ng dalaga sa narinig. "A-ano'ng sabi mo?" nanginginig ang kamay na tanong niya. Gusto niyang tadyakan ang binata sa inis. "Don't make me repeat it," saad ng binata. Kaagad na napatingin ang dalaga sa harap niya at sumimangot. "Mukha lang itong maliit pero malaki 'to. Ang kapal mo naman. Bago ka mamuna ng dibdib ko siguradohin mo lang na malaki rin 'yang sa'yo," inis niyang saad dito. Kaagad na natawa nang pagak ang binata. "Are you insulting my size?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Lumapit ang dalaga at nginisihan siya. "Is it true?" tanong niya rito. Kaagad na naikuyom ng binata ang kamao niya. "You'll regret this, Marie," matigas na saad nito. "At bakit naman?" tanong niya rito. Ngumiti si Seb at tiningnan lang siya. "We arenot yet done. Let's talk again later," ani ng binata at bumalik na sa loob. Bumalik naman ang dalaga sa ginagawa niya. Nang matapos ay napatingin siya sa tatlo na papunta sa gawi niya. Nginitian naman niya ang mga ito. "Uwi na kami, ganda," saad ng guwapong si Hard. "Thank you for the juice," wika naman ni Sate na sobrang guwapo rin. "Welcome, balik kayo," nakangiting ani niya sa mga ito. Napatingin si Heart kay Seb na kulang na lang ay jombagin ang mukha niya sa galit nito. "Tinitingin-tingin mo?" taas ang kilay na tanong ng dalaga. Nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay mabilis na nag inhale exhale siya. Lagot siya sa binata mamaya. Mabilis na nagkunwari siyang naglilinis ng kotse. "Get inside, we will talk," saad ni Sebastian sa seryosong boses at nauna nang pumasok sa loob. "Aish," saad niya at inis na sumunod. Abot-abot ang kaba niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Iba na ang mood ng asawa niya ngayon. Pumasok siya sa loob. Nakita niya si Sebastian na nakaupo lamang sa couch at tinitigan siya. His eyes were emotionless. Nakaupo lamang ang dalaga habang nakayuko. Nasa harap niya ang binata na seryosong nakaupo pa rin sa couch at umiigting ang panga. "Why?" malamig na tanong nito. Napalunok siya't nakukurot ang kamay. Nagsisisi tuloy siya't sinaway niya ito. Bumalik na naman ito sa pagiging cold. "ANSWER ME!" Malakas na dumagundong ang boses nito sa loob ng bahay. Napatingala siya sa binata na magkadikit na ang kilay. "Sorry," nanginginig ang boses na aniya. Natatakot na siya sa klase ng boses nito. Narinig niyang nagbuntong hininga ang binata at napahawak sa ulo nito. "Is it hard for you listening to me?" nagpupuyos ng galit na tanong nito. Nakagat niya ang labi niya. "E kasi ikaw e, binibwesit mo ako," inis na ring ani niya. Kumunot naman agad ang noo ng binata. "You dared to talk back?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito. "Eh may bibig ako alangan namang tatahimik nalang ako rito," naka-pout na aniya. Natigilan ang binata at nakatingin lang sa kaniya. "Are you f*****g serious right now?" Panganglaro ng binata. Tumango lamang ang dalaga at huminga na lamang nang malalim ang binata. Napahawak siya sa ulo niya. He can't handle Heart this long. Magkaka- high blood siya. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD