Nagising ang dalaga dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Kaagad na bumangon siya at napahikab. Ibinuka niya ang kaniyang mga mata at kaagad na nanlaki ito. "Ahh!" sigaw niya nang makitang hindi niya kilala ang lugar na kinalalagyan niya. May lalaking kalalabas lang ng banyo at half-naked ito. Napalunok siya nang makita ang wow ulam nitong katawan. "S-sino ka?" mabilis niyang tanong at kinuha ang kumot t'saka itinabon sa katawan niya. Kumunot lamang ang noo ng binata sa kaniya. "You don't remember what happened?" tanong nito sa napaka-manly na boses. Kaagad na napasinghap siya. "A-ano'ng ibig mong sabihin? May nangyari sa'tin? Oh my goodness! Pinagsamantalahan mo ang puri ko!" singhal niya rito at pinagbabato ito ng kahit ano na mahagip ng kamay niya. "Hey! Stop it!" g

