Zedric POV
6 months later
Ginugol ko ang aking oras sa trabaho upang makalimutan ang huling pagkikita namin ni Alyanna. Kung tutuusin kayang-kaya ko siyang hanapin dito sa South Korea, ngunit nanaig ang aking pride. Mas pinili niya ang tuluyang kalimutan ako kaya ibibigay ko iyon sa kanya. Para na rin siguro sa katahimikan ng aming buhay. Ano pa nga ba ang magagawa ko e, may asawa na siya't anak. Pero hindi mawaglit sa aking puso ang inggit sa lalaki dahil siya ang pinili ni Alyanna.
Ako ang namamahala sa lahat ng negosyo ng aming pamilya, dito sa South Korea at maging sa Pilipinas. Mula noong lumipat ang aking mga magulang dito ay kahit papano nakasanayan ko na rin ang mamuhay rito malayo sa aking kinalakihang buhay sa Pilipinas. Paano may kasunduan kasi kami ng aking ina. Ilang beses na ring naudlot ang kasal namin ni Monica. Dahil sa nais kong mahanap muna si Alyanna, kaya kung ano-ano nalang ang naisip kong palusot upang maniwala ang aking ina. Sa South Korea na rin ako nakatira dahil andito ang aking pamilya. Masyado kasing makulit si mommy noon. Halos araw-araw akong dinadramahan para lang sumunod sa kanila dito. Hindi ko rin naman siya mahindian dahil may edad na. Nagkasundo naman kami na kapag sundin ko ang gusto niya huwag n'ya muna akong pilitin na pakasalan ang pinakamamahal niyang si Monica. Ngunit ang kasunduang iyon minsan nasusunod. Minsan naman ay hindi.
Habang nakatayo ako sa balkonahe ng aming mansyon naalala ko ang mukha ni Alyanna. Ang babaeng tumatak na ata sa isipan ko ang mukha. Ang babaeng laman ng aking panaginip sa loob ng ilang taon. Ang bawat haplos ko sa kanyang malambot na katawan. Ang kanyang matamis na halik. Ang kanyang amoy vanilla na pabango. Sa katunayan ay bumili pa ako ng katulad ng kanyang pabango para lang maibsan ang aking nararamdaman. Kung alam lang ng tropa ko ang aking kabaliwan siguradong kantiyaw ang aabutin ko.
Napailing nalang ako sa aking mga naiisip. Bigla akong nalungkot ng rumehistro sa aking isip ang malungkot na mukha ni Alyanna. Malaki ang pinagbago ng kanyang katawan ngayon. Bahagya siyang pumayat.
D*mn this heart of mine. Sinaktan na nga may gana pang maawa. Forget about her! Sigaw ng naghihisterikal kong isipan.
Napabuntong-hininga nalang ako saka muling pumasok sa aking kwarto. Tahimik ang mundo ko ngayon dahil walang asungot na fiancee ang laging nakabuntot sa akin dahil nasa Paris siya. Kapag malaman ni mommy na nagkita kaming muli ni Alyanna, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya rito.
ALYANNA POV
TIME flies so fast. Excited na ako. My vacation is waving makakasama ko na rin sa wakas ang aking pamilya lalo na ang anak kong si Aiden. Minsan sumasagi sa aking isipan ang nangyari ng gabing iyon. Kaya ngayon nagdadalawang-isip ako na bumalik dito sa Korea. Dahil alam kong andito si Zedric. Hindi malabong mag krus muli ang aming landas. Kahit papaano nakapag-ipon naman ako at nakapagpundar ng two bedroom semi detached house sa Quezon City. Upang may matirahan kami ng aking anak. Mahirap kasi kung uupa ulit ako kagaya dati sayang pa ang pambayad maiipon ko pa iyon para sa future ni Aiden. Maghahanap nalang ulit ako ng trabaho sa Manila. Minsan naiisip kong kumustahin si Claire. Ngunit natatakot naman ako na baka kung malaman niya ang tungkol kay Aiden hindi niya mapigilan na huwag sabihin kay Zedric. Sa ngayon ang kapakanan ng aking anak muna ang tanging priority ko. Wala na rin akong balak pang mag asawa.
Hindi ko na namalayan pa ang bilis ng mga araw. Ito na nga at palapag na ang eroplanong sinasakyan ko galing South Korea. Hindi ko ma-imagine ang excitement na nadama ko nang nakaapak na muli sa wakas ang aking mga paa sa Manila airport. Ilang minuto lang palabas na ako.
Tulak-tulak ko ang cart na ulan ang aking mga gamit. Dalawang maleta at isang hand carry na bag. Hinanap agad ng mga mata ko sina mama at papa. Maraming tao sa labas naghihintay rin ng mga susunduin kaya hindi ko sila kaagad nakita. Habang nakatayo ako malapit sa money exchange both hindi sinasadyang nagawi ang tingin ko sa mag-asawa na nagmamadaling tumawid patungo sa kinaroroonan ko. Ayun nakita ko rin sila sa wakas naluluha at kumakaway si mama na hawak ang kamay ng isang batang lalaki.
God! Ang laki na ng anak ko. Tumutulo ang luha kong tumakbo sa kinaroroonan nila at niyakap sila ng mahigpit. Gulat naman ang mukha ng anak ko dahil niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at hinahalikan.
"Ma, Pa! Kumusta po kayo sobrang mis na mis ko kayong lahat. Asan nga pala ang mga kapatid ko?" nagtatakang tanong ko sa aking mga magulang.
Ngumiti si Mama ng kay tamis.
"May pasok sila nak. Hindi ko na pinasama dahil nataunan na exam din nila."
"Okay po!"
"Mama!" narinig kong bigkas ni Aiden. Sa gulat ko nag-uunahang tumulo ang aking mga luha nang marinig ko na tinawag niya akong mama. Walang pagsidlan ang kasiyahang nadama ko ngayon panibagong buhay kasama ang aking pamilya. Okay na rin pala, kahit walang lovelife basta kasama ang pamilya.
Ipinasyal ko sila sa mall at kumain kami sa labas. Tuwang- tuwa naman si Aiden na halos ayaw humiwalay sa akin. Ang bilis ng panahon parang kelan lang na nasa sinapupunan ko pa siya. Napangiti Ako sa tuwing mapagmasdan ko ang munting mukha niya. Kamukhang-kamukha niya si Zedric. Parang kinorteng kilay. Mapilantik na mga pilik-mata. Namumulang mga labi. At mga matang katamtaman lang ang singkit. Minsan nga maihahawig ko siya kay Jung Hae In kaso may dugong pinay lang siya. Dahil sa mabilisang tingin ay magkamukha sila.
Dinala ko si Aiden sa palaruan at binilhan ng mga bagong laruan. Ito ang mga pinapangarap ko noon na gawin pag-uwi ko. Napakasarap sa pakiramdam na kahit sa simpleng bagay makikita mo na masayang-masaya ang anak mo. Pinamili ko rin ang aking mga magulang ng mga gusto nila. Aba syempre maging ang aking mga kapatid dahil hindi pa nga ako nakakaalis sa Korea ay marami nang nais ipapabili.
DALAWANG buwan na rin ang lumipas mula noong nakauwi ako. Nakalipat na rin kami ni Aiden sa bahay na nabili ko. Nakapag-enrol na rin siya sa isang private na skwelahan sa may malapit lang sa aming bahay. Iniisip ko ngayon kung mag-aapply na ba ako ng trabaho o magtambay muna para maasikaso ko si Aiden na isang kinder two na.
Habang naghahanda ako para sunduin si Aiden sa school, tumunog naman ang aking cellphone. Unknown number ang nakalagay sa screen.
"Hello, good afternoon!" bati ko.
"Good afternoon ka riyan. Alyanna, kumusta kana? Nakauwi kana pala?" sagot ng nasa kabilang linya na pamilyar sa akin ang boses. Inalis ko muna ang cellphone sa aking tenga upang matingnan maigi ang number.
Napangiti ako.
"Sino po ito?" kunwaring tanong ko.
"May ganun? Nakalimutan muna ako? Si Joy ito! Joy Lapitan yung kasamahan mo sa mall noon!" pakilala niya sa sarili.
"It's a prank!" bulalas ko na ikinatili n'ya sa kabilang linya. "Waahhh sobrang namis kita, kumusta kana, Joy. Wait, teka nga saan mo nakuha ang bagong number ko?" nagtataka kong tanong.
"Sa kapatid mo. Hmmm, pwede ba tayong magkita? Andito kaba sa Manila? Dalhin mo nalang din ang pasalubong ko ha!" sunod-sunod niyang tanong sabay tawa.
"Lukaret ka matagal ng naubos!" biro ko ring sagot sa kanya.
Nagkasundo kami na magkita sa isang restaurant sa ZK Mall. Sinundo ko muna si Aiden bago ako dumeritso doon. Okay lang na makita niya si Aiden at least di s'ya close kay Zedric. Namis ko rin siya honestly, kasi siya lang ang close friend ko sa lahat ng kasamahan ko sa department namin noon.
Pagdating namin sa restaurant nahanap ko naman kaagad si Joy.
"Hoy bruha! Mas lalo kang gumanda teh!" puri niya sa akin sabay tingin kay Aiden.
"God! Ang gwapong bata! Alyanna anak mo?" gulat na tanong niya.
"Yep!" proud na sagot ko. "Aiden say hi to tita Joy." baling ko sa bata.
"Hi tita Joy. How are you?" bati ni Aiden na animo'y matanda na kung umasta. Kampante siyang nakaupo sa pang dalawahan na upuan sa food court ng mall. Nakasalikop pa ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.
"Im fine baby, Aiden. You're so gwapo naman. Who is your daddy? He is handsome too katulad mo?" nagulat ako sa tanong ni Joy sa aking anak. Nabaling kay Aiden ang aking tingin bigla namang nalungkot ang mukha niya.
"I don't have Dad tita. Mama said he is so far away. But I have grandpa and granny. They love me so much," sagot ni Aiden kay Joy na nakabawi ang mukha sa lungkot nang maalala ang lolo't lola niya.
Napamulagat naman si Joy at napatingin sa akin. "Girl, baka naman gusto mong mag kwento, hmmm?" bulong niya sa akin.
Nginitian ko lang siya.
"Next time nalang, okay? Kain na muna tayo kasi nagugutom na tong munting prinsipe ko." di ko inaasahan na darating ang araw na ganito. Yung may magtanong tungkol sa ama ni Aiden. Saka nararamdaman kong malungkot siya nang sumagot kay Joy. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang makita siyang malungkot.
Tahimik kaming kumakain at panaka-nakay sumusulyap si Joy kay Aiden at napatingin sa akin. Ngiti lang ang sagot ko sa kanya.
"Gurl, bakit sobrang malihim ka. Hindi mo man lang ako naalala noong panahong mayroon kang matinding pinagdaanan. Nadamayan sana kita." malungkot na sabi niya sa akin.
"I'm sorry, Joy. Sobrang down ako noong mga panahong 'yon. Unexpected talaga ang nangyari. Buti nalang suportado lang din ako nila Mama't Papa. Hindi ko na naisip na sabihin saiyo dahil ayaw kong makaabla. At saka may pinagdadaanan ka rin nang panahon na iyon." sagot ko sa kanya.
"Yun na nga ehh. Sana nadamayan man lang kita. Sana nakita ko ang paglabas ng poging bata na'to. Yayamanin ba ang ama ng anak mo?" nabigla ako sa sinabi niya. Parang nahuhulaan pa ata nito ang lihim niya.
Pinandilatan ko siya.
"Sshhh boses mo, maririnig ka ng bata. Ano ka ba! Iku-kwento ko nalang sayo next time, okay?" saad ko sa kanya.
"Okay, I can wait naman ano ka ba! Pero... gurl parang hindi na ako makapaghintay." kinikilig pa niyang sabi.
"Sira!"
Itutuloy....