Chapter 1 makita kang muli

2057 Words
Lydia POV “Rigor..!!” Lumabas ako ng kotse kahit na bumubuhos ang malakas na ulan. Sinubukan kong gisingin si Rigor ang aking Asawa at driver/ body guard ng mga Montero. Pero Hindi ito nagigising matapos bumanga ang aming kotse sa puno dahil sa mga taong nag tatangkang pumatay sa amo kong buntis. “Mam Selena kaya niyo ho bang mag lakad.. Hindi po tayo Pwedeng abutan ng mga taong gustong pumatay sainyong mag ina.” Sinubukan nitong kumilos at bumaba sa kotse. Ala-alalay ko siya kasama ang anak kong si Ekang na 4 na taon na. “Rigor asawa ko babalikan kita.. kailangan ko munang i ligtas si mam ất ang mga bata” matapos ay hinalikan ko sa labi si Rigor at nagtungo kay Mam Selena. “Lydia Mauna na kayo ng anak mo baka pati kayo mapahamak pa” Sambit ni Mam Selena. “Hindi ko po magagawa yun mam kaya Huwag na pong matigas ang Ulo at mag simula na tayong mag lakad. “Ekang anak kapit ka lang sa kamay ng nanay” hawak hawak ko ang kamay ni Ekang habang ala-alalay ko si Mam Selena. Malaki na ang tiyan nito at anytime pwede na siyang manganak. Pumasok kami sa loob ng kakahuyan upang mag hanap ng masisilungan. “Nay takot po ako sa kulog ất kidlat” kumapit si Ekang saaking beywang. Ang lakas ng kulog at kidlat habang nag lalakad kami sa loob ng kakahuyan. “Huwag kang matakot anak.. nandito ang Nanay” nang makahanap kami ng malaking puno na masisilungan naupo muna kami at nag pahinga. “Ekang.. Hindi ka dapat matakot sa kulog at kidlat” Sambit ni mam Selena. “Bakit po?” Hinawakan ni mam Selena ang kamay ni Ekang. “Pag kumulog at kumidlat tanda ito na ang mga Anghel sa langit ay tumutogtog ng instrumento.. tapos bubuhos ang ulan.. at ang ulan ay parang Musika sa ating mga tenga” Ngumiti si Ekang. “Mam Selena sabayan po natin ang ulan kantahin po natin ang paborito niyong kanta” Sambit ni Ekang. Ngumiti at tumango si Mam Selena. Hindi kami tinuring iba ng mga Montero parte na kami ng pamilya nila kung ituring. “Makita kang Muli ” by Sugarfree “Bawat sandali ng aking buhay Pagmamahal mo ang aking taglay Sa'n man mapadpad ng hanging Hindi magbabago aking pagtingin Pangako natin sa Maykapal Na tayo lamang sa habang-buhay Maghintay Paboritong kantahin ito ni Sir Eduardo kay Mam Selena dahil Tuwing umaalis si sir Eduardo walang kasiguraduhan kung makakabalik ito ng buhay. “Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig Maghintay ka lamang, ako'y darating 'Pagka't sa isang taong mahal mo ng buong puso Lahat ay gagawin, makita kang muli Makita kang muli” “Ang galing galing mo anak kumanta” puri ko kay Ekang “Sige lang Ekang ituloy mo lang ang kanta” hawak hawak ni Mam Selena ang tiyan niya at napapangiwi at hinga ng mabilis. “Puso'y nagdurusa, nangungulila Iniisip ka 'pag nag-iisa Inaalala mga sandali Nang tayo ay magkapiling Ikaw ang gabay sa akin tuwina Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw Tanging ikaw” “Arraayyy!!! Lydia sakit ng tiyan ko mukang manganganak na yata ako” pinahiga ko si mam Selena at binuka ang mga hita. “Mam manganganak na po kayo nakikita ko na ang Ulo ng bata. Si Ekang ko patuloy Lang ang pag kanta. “Hayaan mo siya Lydia.. hayaan mo siyang ituloy ang kanta habang na nganganak ako” Utos ni Mam Selena. Iri ito ng iri. “Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig Maghintay ka lamang ako'y darating 'Pagka't sa isang taong mahal mo mg buong puso Lahat ay gagawin, makita kang muli Makita kang muli Makita kang muli “Hmmmmpppptttt!!!” Mahabang iri ni Mam Selena. “ Ooouuuunggggaaaa” dinig naming iyak ng sanggol. “Lalaki po lalaki ang anak niyo mam Selena” binalot ko ng damit ang sanggol pero wala akong makitang panggupit ng pusod. “Tignan niyo doon baka pumasok sa kakahuyan” nag katinginan kami ni Mam Selena dahil Mukang nasundan kami ng mga taong humahabol saamin. “Lydia nandito na sila na sundan na tayo.. ang anak ko papatayin nila” umiiyak na Sambit ni Mam Selena. “Mam kagatin niyo ang pusod hanggang sa maputol para mahiwalay sa inyo” Utos ko. Sinunod nito agad ang sinabi ko at kingat kagat ang pusod hanggang sa maputol. “Sige na Lydia.. umalis na Kayo ng mga bata iwan niyo na ako dito” naiiyak ako sa Utos nito Hindi ko alam Kung susundin ko siya oh Hindi. “Pero mam..- “Nandiyan na sila Lydia kailangan mong iligtas ang anak ko.. alagaan mo siyang mabuti sabihin mo na mahal na mahal ko sila ng Daddy Eduardo niya.” Hinalikan ni Mam Selena ang anak niya matapos ay Tinaboy na kami. “Sige na umalis na kayo!! Dali!!!” Mabilis kaming nag lakad palayo ni Ekang habang buhat buhat ko ang nag iisang anak ng mga Montero. “Ekang Dalian mo anak” Hindi ko alam Kung saan kami patungo basta takbo lang kami ng takbo. “Ayun!!! Ayun sila!!” Naiyak ako ng marinig kong nasundan kami. Halos kaladkarin ko na si Ekang sa pag mamadali kong makalayo kami lalo at at malakas ang buhos ng ulan. “Nay!!” Nadapa pA si Ekang. “Tayo ka anak Dalian mo.. aabutan nila tayo” umiiyak kong Sambit. “Nay!! May nakadagan po sa paa ko” umiiyak nitong sambit. “Ssshhhh.. tahan anak Hindi naman ikaw ang gusto nilang kunin Kung Hindi itong anak nila Mam Selena diyan ka lang magtatago kami ni Baby hanggang sa makaalis sila Huwag kang gumawa ng Ingay anak ok.. babalikan kita” tinakpan ko ito ng mga dahon bago ako tuluyang lumakad palayo umaasang Hindi ito makita ng mga masasamang tao. “Patawarin mo ako anak.. pangako babalikan kita” umiiyak akong takbo ng takbo habang kalong kalong ang sanggol ng mga Montemayor. Ethan “Nay!!! Nay Lydia!!” pasok na po ako” gising ko kay Nay Lydia papasok ako sa review center.. nag re-review ako para sa nursing board exam ko. Mukang na nanaginip ito at May luha pa sa mga mata niya . “Ok Lang kayo Nay” pag aalala ko. “Ok Lang napanaginipan ko lang yung teleserye na pinapanood ko at ikaw Ethan Napapadalas yata ang pasok mo diyan sa review center pareho nating alam na Hindi mo kailangan yan” napakamot ako ng ulo. “Nay ano po bang ibig niyong sabihin” maang maangan ko. “Naku kilalang kilala kita Ethan.. May pinopormahan ka don ano!!? Mayayari talaga ako sa Daddy mo alam mong Hindi Pwede yan!” Napa buntung hininga ako. “Eh Bakit kay Mine Hindi kayo kumokontra..” Sagot ko. “Hoy Ethan hinayaan kita kay Mine dahil alam kong Hindi ka uubra kay Mine at kapatid lang ang Turing saiyo non” si Nanay Lydia talaga minsan ang hirap Tanungin masyadong Honest. “Don’t worry Nay.. Mukang hindi din ako uubra sa bago kong pinopormahan inaasar ko lang” nakangiti kong Sagot. “Siguraduhin mo lang Ethan dahil ayokong masaktan ka o makasakit ng damdamin ng ibang tao.. love is a big NO for you” paalala nito. “Wow Nay galing mo mag English ha.. nose bleed ako” sabay tawa ko. Lumapit saakin si Nanay Lydia. “Kung ako lang ang totoo mong magulang anak hahayaan kitang mag mahal hanggat gusto mo pero Hindi ka pang karaniwang tao anak pareho nating alam yun” Ngumiti ako ng pilit at yinakap ko ang nanay Lydia. “Masyado ka ng madrama Nay Lydia Hindi bagay saiyo” kinurot naman ako nito. “Araayyy! Nay naman eh..” himas himas ko ang tagiliran ko. “Patulo na ang Luha ko eh umurong Tuloy.. Anak ang gusto ko bago ako mamatay makita kitang kinakasal at bumubuo ng sarili mong pamilya” kinuha ko ang bag ko sa kawayan naming upuan. “Alam po nating malayong mang yari yan Nay.. at ayoko pong naririnig yung patay patay na yan kinikilabutan ako” hinalikan ko si Nanay Lydia at umalis na ako patungo sa review center. Once makalabas ng Baranggay Gandara at nasa siyudad na ako Balik ako sa totoo kong buhay. “Boss!” Sabay bukas ng Pintuan ng kotse. “Saan tayo boss..” tanong ng body guard ko. “Sa review center” napakunot ang noo nito. “Nanaman bossing? Hindi ba tayo pupunta sa training mo” Hindi ako kumibo kaya Hindi na din ito nagsalita. Nang makarating sa international nurses Academy review center mabilis akong bumaba ng kotse. Hindi ko na sila pinag papark sa loob ng Academy. “Mr Montero you’re late again.. Hindi ka na nga araw araw pumapasok.. pag pumasok ka late pa.. do you really need this review or not?” Eto na-naman si Mam sungit. Daig pa ang Nanay Lydia kung maka sermon palibhasa matandang Dalaga. “Yes mam kailangan ko po kayo” sabay ngiti ko. Nag hiyawan naman ang mga classmate ko sa pag re-review. “Quiet!!! Everyone!!” Lumakad ito palapit saakin. “Mr Montero..” nakataas ang kilay nito at halatang nag pipigil ng galit. “Yes future Mrs Montero..” banat Kong muli. Nag hiyawan muli ang mga classmate ko. “I said Quiet!!!.. Hindi niyo na ako nirespeto.. lalo kana Mr Montero.. isa na lang papalipat kita ng class” seryosong sambit nito. Napa ngiti lang ako sa kasungitan nito yung pag susungit niya saakin totoo Hindi yung nag papakipot lang kulang sa dilig ito sigurado ako. “Do you guys have any questions bago ko Kayo I dismiss?” Nakatitig lang ako sakanya. Sobrang Ganda niya pati hubog ng katawan. Sa tingin ko mas matanda ito saakin ng Limang taon. “By the way class kung May mga nakababatang kapatid kayo na gustong mag piano lesson let me know isa sa mga side job ko ang pag tuturong tumugtog ng piano” yan pa ang isa kong kinabibiliban sakanya sobrang sipag bukod sa pag tuturo niya ano anong mga side job niya. Minsan nagtitinda pa siya ng Kung ano ano dito sa class. “Eh mam Bakit po bata lang.. paano po Kung gusto ko mag enroll” niligpit nito ang gamit niya sa Mesa. “I’m Serious Mr Montero.. Huwag mong gawing biro ang kabuhayan ko” napaka seryoso nito sa buhay. Parang pinag lihi sa sama ng loob. “I’m serious too mam.. magaling akong kumanta at sumayaw pero never akong natutong tumugtog ng music intrument” pag yayabang ko. “Like I said mga bata lang ang tinuturuan ko Hindi isip bata.. class dismissed” sabay lakad nito palabas ng classroom. Damn she’s feisty.. sarap pa tirikin ng mga mata sa kama. Ewan ko ba kung gusto ko lang siyang nakikitang inaasar oh talagang May gusto ako sakanya na alam ko namang Hindi pwedeng lumalim. “Boss tapos na kayong Pumag ibig? Tara na sa training niyo” napa iling ako sa body guard/ kaibigan ko na si Ben. “Pwede mo bang I check saan nakatira yung pag ibig ko?” Tinignan ako ni Ben sa rear view mirror. “Naku bossing.. Malilintikan ako sa Daddy niyo pag nalaman ang pinagagawa mo.. number one marites pA naman yun lahat alam hahaha” lahat na lang sila takot na takot sa Daddy. “Sige na.. walang makaka alam tayo lang dalawa parang Hindi naman tayo mag kaibigan” Hindi pa din ito kumibo. Sinulyapan ko siya sa salamin. Inaantay ko Kung mag babago ang isip niya. Narinig ko ang pag buntung hininga nito. “Anong buong pangalan?” Napangiti ako. “Yown!!! Sabi ko na nga ba Hindi mo ako matitiis” I gave him my teacher full name. “Ethan last na ito lagot tayo kay Master” tinapik ko ang balikat niya. “Akong bahala saiyo” nang maka Balik sa Baranggay Gandara nag hanap ako agad ng batang gustong matutong mag piano. “Naku kuya Ethan baka pudpod na ang daliri ng teacher ko ni isang nota Wala pa din akong alam.. Kara krus ba hindi ng tuturo ng teknik yun?” Siraulong bata talaga. “Bahala na ako na lang ang mag e-enroll.” Bulong ko sa sarili ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD