Not everyone Halos hindi ako pinatulog ng nalaman kong iyon. Idagdag mo pa ang imahe ng nakaluhod na si Ridge habang nababasa ng ulan. Binagabag din ako ng pagkabahala kung nakauwi kaya siya nang ligtas sa kabila ng hirap na makahagilap ng masasakyan dito sa lugar namin pag-ganung oras. Kinabukasan tuloy ay ramdam ko pa ang antok. "Good morning, dear." bati sakin ni Mama. "Hindi ka ata naka-office attire today?" tanong niya matapos pasadahan ng tingin ang suot ko ngayon. Tumango ako. "Start po ng site visit namin ngayon," simpleng sabi ko. Medyo casual ang outfit ko ngayon dahil dun. Nginitian niya naman ako. "Ang sexy talaga ng anak ko!" kumindat pa siya nang pabiro. Tinawanan ko na lang yon habang naiiling. Kumain lang ako ng almusal at hindi nagtagal ay nagpaalam na rin. Paglabas

