Balita "Bakit ka ba kasi nag-transfer?" Natigilan ako sa tanong ni Ava. Nakita ko ang nag-aabang na mukha rin nila Quinn at Zoe sa screen. "Hindi ako nagtransfer," sabi ko sa mahinang boses. "What?" lumukot ang mukha ni Zoe. "What do you mean?" umalingawngaw ang boses niya sa speaker ng laptop ko. Bumuntong-hininga ako. "Saka ko na ikukwento pagnagkita-kita tayo sa personal," Quinn groaned. "When will that be? You keep on saying that pero hindi naman matuloy-tuloy," Lumunok ako. "Kapag nakahanap na ko ng trabaho," "Hay, sana all graduate na!" sabi ni Ava. Delayed silang tatlo kaya makalipas ang halos tatlong taon ay hindi pa rin sila nakakapagtapos ng pag-aaral. "Basta, Lia promise na yan ah! We'll see each other soon!" Zoe said. Nagcatch-up pa kami ng ilang saglit bago ko binab

