Sorry gift Contains slightly explicit scenes. Read at your own risk. Salubong ang kilay ko buong byahe at walang balak tapunan ng tingin ang katabi ko na siyang dahilan ng aking iritasyon. Mahigpit ang kapit ko sa manibela nang mabilis itong minaniobra sa pinakamalapit na bakanteng loteng nadaanan. Napapikit pa ko nang mariin pagkatapos pahintuin ang makina ng sasakyan. Sumandal ako sa car seat at nagbuga ng ilang hingang malalim. "Get out," I commanded through gritted teeth. Wala akong narinig na kahit ano. Dinilat ko ang mata at tumingin sa rear-view mirror. Nakita ko siyang diretso lang ang tingin sa harap habang seryoso ang ekspresyon ng mukha. Binaling ko na ang mukha sa kanan para matignan siya. "I said get out." asik ko. I just saw him clenching his jaw from his side profi

