CHAPTER 26 "I'M HIS LADY GUARD" Author Nezel/POV: PINLANO na nga ni Samantha ang pagpatay sa mga magulang ni Tristan. Patungo na roon ang babaeng inutusan niya para magpanggap bilang Angelina para matupad ang planong pagp4tay, at kapag nangyari iyon ay lalong kamumuhian ni Tristan ang babaeng si Angelina, na nagpakilala bilang tunay niyang asawa at babalik ang tiwala ni Tristan at Jonas sa kanya. "Bilisan mo ang kilos, saktohin mong wala ang bantay na nurse nang sa ganon madali mong mapatay ang dalawang matanda sagabal rin kasi sila sa plano ko"., Utos ni Samantha sa babaeng pap4tay sa mga magulang ni tristan. "Sige boss, ako na ang bahala kayang-kaya ko na itong paslangin nang walang kahirap-hirap". Tugon nang babae sa kanya na tila nagmamayabang pa. "Sige balitaan mo ako agad pagk

