Nakaubob ako sa lamesa ko at walang pakialam kahit pa maingay sa room mukha kasing di naman darating yung prof namin.Nasa ganung posisyon ako ng biglang tumahimik kaya naman napaangat ako ng ulo para malaman ang dahilan ng biglang pagtahimik ng mga kaklase ko. Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil muli ay nandoon ang pamilyar na sakit.Masaya silang magkahawak kamay habang papasok sa room kung nasaan ako nilingon ko ang paligid ko dahil wala namang dahilan para pumunta sila dito una di ko sila kaklase pangalawa wala naman dito ang mga kaibigan nila maliban nalang kung ako ang pakay nila. Hindi nga ako nagkamali dahil ako nga talaga ang pakay nila.Niyaya ako ni Rian na sumabay sa kanila na maglunch napabuga nalang tuloy ako ng hangin. Hindi ba alam ng isang to na may nakaraan kami ng

