(Third Person's POV) "MAY nangyari bang hindi ko alam?" Ipinagpatuloy ni Noam ang pagsusuklay habang nakaharap sa malaking salamin, kasalukuyan nyang inaayos ang bangs nang tanungin iyon ni Linus na syang naka-indian sit sa kama ng ate nya. "Anong ibig mong sabihin?" Kalmado nitong sagot sa kanya. "Duh! Namamaga kaya yung mata mo, kuya Noam. Tapos pulang-pula yung ilong at pisngi mo." Umirap sya bago pinag-ekis ang mga braso sa dibdib. "Umiyak ka ba kanina?" "Tumigil ka ngang bata ka at bumaba ka roon. Kamustahin mo yung mga bisita mo sa labas hindi yung ginugulo mo ko rito." Ngumuso si Linus sa naging tugon nito. Malumanay naman yung pagkakasabi non ni Noam pero lalo lang syang nagdududa, alam nyang may nangyari dahil masama yung hilatsa ng mukha ng ate nya pero hindi nya mahulaan k

