Chapter 4

4379 Words
(Morgan's POV) THE mixed scent of smoke, colognes, liquor and other shitty things welcomed me after entering the bar that JR told me. I'm not familiar in this bar since I'm not fond of wandering at these kind of places except for Charlotte's bar, loud music and ecstastic voices instantly makes my ear hurts while the flashing lights makes my eye sore. I hate loud noises. I hate bright lights. I hate party. I hate communicating. I hate socializing. Basically, I just hate everything and everyone. But since I have no choice, I'm here wandering around this shitty place finding some b***h with a pretty face as per JR's request. She wants me to find this Victoria's secret model who did some goddamn lie to ruin her husband's name as a famous Superstar. I heaved a sigh before getting my phone out of my pocket and dialed JR's number while my eyes still wandering around. "Yo, anong meron?" "What's her name again?" I heard her groaned on the other line, "I don't know, magtanong-tanong ka nalang dyan." "Don't you have any picture or something to send that I could use as a reference?" "Wala, kung meron ako non edi malamang kahapon pa nakulam yon." I can feel her irritation even though we're not together, "Basta magandang babae yon, seksi tapos malandi." My eyes automatically squinted, "Everyone's literally like that." "Hey there, pretty." A guy approached, that made me stopped from walking but my focus is still on JR. I didn't even bat an eye on him. Tsk. "Jhayrein, it will take me forever before I could find that woman that you're saying." "Sige, maghahanap muna ako ng picture tas isesend ko nalang say—" I didn't heard her next sentence because this motherfucker in front of me suddenly snatched my phone from my hand. He's laughing as I glanced at him while holding my phone, a wicked smile is plastered on his irritating face. "Tinatawag kita, bakit hindi mo ko pinapansin?" "Do I fuckin have to?" "Of course!" This douchebag laughed so hard before leaning his body on me, "Are you new here? Pwede kitang samahan para mag-ikot-ikot if you want." "I'm not interested." "Why not? Mukha kang bago dito, ako kasi suki na kaya medyo kilala na ko ng lahat." My eyes automatically rolled out of annoyance, "You're such a fuckin nuisance." "Hah?" "Just give me back my phone so I can go." "Oh c'mon! Wag ka ng magpakipot!" He touched my shoulder and smirked, "Ibibigay ko sayo yung phone mo kung sasama ka sakin." "Hands off." "Hands off from your what?" The corner of his lips tugged even more, which is really annoying. I can't help but to heaved a heavy sigh. This guy is wasting my fuckin time, I don't want to get in trouble but since he's asking for it, then why not give him a taste of my damn fist? "Hands off on my fuckin shoulder or else—" I warned with a straight fuckin glare on his eyes, "—I'll break every fuckin bones that you have in that filthy hand of yours." He chuckled, "You're funny—" I didn't gave him a chance to finish his words, my right hand immediately held his hand and took it away from touching my shoulder as I snatched my phone back from his other hand. I twisted it with force making him screamed in pain, gathering attention from the other people who's eyes widening in disbelief while looking at us. "Aaaaaaaah! B-bitawan mo ko! Bitaw!" "You said I'm funny," I tilted my head in confusion and frowned, "Then why aren't you laughing?" "T-tangina! B-bitawan mo yung kamay ko! Aaaaargh!" Instead of doing what he said, I twisted it even more, which resulted for his louder scream. Even his knees automatically dropped on the floor while trying to get his hands away from my grip. "AAAAAAAAAAAAH! TULUNGAN NYO KO! F-f**k!" Everyone is watching yet no one is brave enough to stop me, maybe some of them already knew who I am, or some of them are just afraid to meddle with other's business. Whichever the reason is, I still don't fuckin care. The call is still on-going that's why I signalled him to be quiet before putting it on my ear to continue talking, "Sorry, what is it again?" I heard her chuckling from the other line. "Wag kang maghasik ng gulo dyan, Verdan." "I'm not," Then I glanced on the guy whose now crying, maybe because of the pain and humiliation that he's feeling right now, "But this guy forced me to do something horrible to his hand. I might break the other one if my irritation continues." "Tsk tsk tsk! Tama na yan, hanapin mo na yung pinahahanap ko, pinasend ko na kay Beau yung picture at pangalan nung babae." I nodded. "Fine." She said some of the details about the woman that I'm looking for before finally hanging up the call. I put my phone inside my pocket after talking to her and gave this guy a glance. His teary eyes locked on mine, fear and nervousness is written all over his face. I'm actually amused because he's dumb enough not to do something that can release him from my grip. In short, he knows how to talk but doesn't know how to do action. I want to pity him, but I don't know how. I can't feel anything towards anyone. "Since I'm new here, I want you to remember me in a unique way." I said, wherein he answered with his sobs as he shake his head, uttering some words that I can't completely hear because of his quivering voice. People are chattering everywhere, they are whispering yet I can still hear some of them but my eyes are on him. "As my gratitude for your warm yet rude welcome, I'll give you a remarkable remembrance that you'll never forget." He's shivering in fear, doesn't know what to do next, asking for help from everyone around us. Screaming and begging for them to help him. Yet no one responded. That's why I did as I told him earlier. My hand twisted his hand hard until I heard a satisfying cracking sound, breaking every bones that he has in his hand. His scream went louder which is really irritating, I have no choice but to let him go. "Nice to meet you, by the way." I said and give a nod to him, but the guy didn't answered me. He's busy rolling on the floor while crying like a fuckin baby and finally, someone is brave enough to help him fix his hand—that would be dysfunctional for a while, I think. I ignored every single people around me and just started walking again while taking glances everywhere, looking for that b***h that JR asked for. I just hope that everyone would just leave me alone so that I can do my job properly. I don't want to be distracted—not for too long. Because after several minutes of sitting and observing people from the corner as I smoke, my eyes unexpectedly caught the person whose lingering on my mind since last night and now he's staring back at me with those black doe eyes of his. Tsk. Just what kind of male beauty does he possess that makes him so attractive? (Noam's POV) MAGHAPON akong kinulit ni Jethro, magmula noong maglunch kami, hanggang sa meeting ng teachers at ngayon ngang dismissal. Mas na-pressure ako noong dumagdag na si Enzo at Andrei sa pamimilit sakin na sumama, hindi na nila ako tinigilan hanggang sa wala na akong ibang magawa kundi ang pumayag nalang. Kaya ngayon ay nasa labas ako ng apartment building na tinutuluyan ko habang hinihintay si Jethro. May kanya-kanya kasi silang mga sasakyan at ako lang ang wala kaya sya na rin ang nagpresintang maghatid sundo sakin dahil tutal naman daw ay sya ang nagyaya sakin. Tumingin ako sa orasan na nasa pulsuhan ko tsaka napabuga ng hangin. Nine thirty three, tapos malamang ay aabutin sila ng mga ala-una hanggang alas-dos ng madaling araw, siguro mga alas-onse eh pwede na akong magpaalam na umuwi. Isang busina ang pumukaw sa atensyon ko kaya napalingon ako don, huminto sa harap ko yung pamilyar nyang kotse tsaka sya lumabas dun at lumapit sakin. "Hi, good evening." "Good evening din." Bahagyang tumagilid yung ulo ko ng makitang medyo natatawa sya, "B-bakit? M-may nakakatawa ba?" "No, wala naman." He chuckled, "Naniningkit kasi yung mata mo kanina habang nakatingin sakin, wala ka bang contact lenses?" "Wala eh, pero bibili na agad ako ng eye glasses bukas." "I see, I'll go with you then?" "H-hindi na." Ngiti ko, "Ayos lang, kaya ko na." "You sure?" "Oo naman." Tumango sya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang bakas ang pagtataka sa mukha, "Ayan ang suot mo?" Sinulyapan ko rin yung suot ko tsaka mariing napahawak sa laylayan nun, "B-bakit? Pangit ba?" Maluwag na simpleng longsleeve shirt at itim na jeans lang kasi ang suot ko, malayo sa pormadong-pormadong suot nya na polo shirt na nakabukas ang iilang butones at rugged jeans. Kung pagkukumparahin ay mukha lang akong may bibilhin sa labas samantalang sya naman ay halatang sa isang party pupunta. Nginitian nya ko tsaka pinisil yung pisngi ko. "Silly, okay na yang suot mo. I like it." Hinawakan nya ko sa pulsuhan at marahang hinila, "Tara na, hinihintay na tayo nina Andrei at Enzo don." Pumunta na kami sa sasakyan nya, pinagbuksan pa nya ako ng pinto at inalalayan bago sumakay tsaka sya nagmaneho papunta doon. Panay ang pagke-kwento ni Jethro sakin ng kung ano-ano para lang malibang ako habang nasa byahe, pero yung isip ko nakatuon sa ibang bagay kaya tipid na sagot at ngiti lang ang naitutugon ko sa kanya. Nag-aalala ako para sa sarili ko mamaya, kinakabahan ako ng sobra dahil malamang ay maraming tao sa ganong klase ng lugar. Hindi maiiwasan na may mga taong lalapit at didikit samin, hindi ako nag-iinarte, ayoko lang talaga ng mga matataong lugar tulad ng mga bar. Dahil ganoon yung klase ng lugar kung saan ako unang nakaranas ng impyerno. Hindi lahat ng makakasalamuha naming tao doon ay nagsasaya lang, malamang ang iba ay may hinahanap na ibang klase ng saya na syang ikinakakaba ko. Mga taong malakas ang trip, mga taong walang ibang iniisip kundi ang sarili. Wala rin namang kasiguraduhang mapapahamak ako o kung ano dahil nandyan naman ang mga kaibigan ko, pero hindi rin maiwasan sakin ang mag-alala dahil bukod sa sarili ko, wala ng iba pang nakakaalam ng kung anong pinagdaanan ko kaya ako at ako lang ang may alam kung gaano kahirap para sakin ang makisalamuha sa ibang tao—lalo na sa mga lalake. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nasa bar na pala kami, sunod-sunod akong napalunok nang makita kung gaano karami yung tao sa labas palang ng bar. Kumakabog ng malakas yung puso ko sa kaba kahit alam ko namang hindi ako makikisalamuha sa kanila. "C'mon, nasa VIP floor sil—Noam? Ayos ka lang?" "A-ako?" Lingon ko sa kanya, bakas ang pag-aalala sa mukha nya habang pinagmamasdan ako, "O-oo naman. Ayos lang ako." "No, namumutla ka." Hinaplos nya yung leeg at noo ko, "Anong problema? May nararamdaman ka ba? Pwede kitang dalhin sa ospital kung masama ang pakiramdam mo—" "A-ayos lang ako. Walang masakit sakin." "Totoo?" Tumango ako, "Oo, t-tara na. Baka naiinip na sila." Nag-aalangan syang lumabas ng sasakyan at inalalayan akong makalabas kahit kaya ko naman na mag-isa. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad na kami papasok, mukhang madalas talaga syang magpunta rito dahil karamihan ay kilala sya't binabati. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang bumuntot sa likuran nya habang patuloy na humuhugot ng malalim na hininga, so far ay hindi pa ako inaatake ng panic na ipinagpapasalamat ko naman dahil ayokong gumawa ng eksena. Hindi naman sobrang siksikan dahil napakalaki nitong lugar pero hindi pa rin maiwasan na may mga bumangga sakin, karamihan kasi sa mga taong nandito ay mga lasing na at walang pakundangan kung makapagsaya. "Uy, Jethro! Kamusta?" "Sabi na nga ba't darating tong si Jethro eh!" "Kanina pa naghihintay si Enzo at Andrei don! Hahaha!" "Sayaw tayo, Jets!" Tumawa si Jethro habang nakikihalubilo sa mga tumatawag sa kanya. Medyo natatabunan na ako ng mga kakilala nya, nagdagsaan kasi yung iba. "Jethro," Tawag ko sa kanya tsaka humawak sa laylayan ng polo nya para hindi ako mawala, "M-malapit na ba tayo?" Nginitian nya ko tsaka hinawakan sa pulsuhan bago hinila. Inililibot ko yung paningin ko sa paligid, pilit na ginagawang pamilyar sa paningin ko yung bawat sulok para kung sakaling magpaalam na akong uuwi ay hindi ako mahirapan na hanapin yung exit. Hanggang sa tumama yung paningin ko sa pamilyar na mga mata, nagitla ako nang makita ko syang mariin ang titig sakin habang nakasandal at nakadekwatro ng panlalake, nakapatong ang isang braso sa sandalan ng sofa, habang ang isang kamay ay may hawak na sigarilyong may sindi. Tulad ng unang pagkikita namin kahapon ay talagang agaw pansin yung berde nyang buhok at yung maangas nyang pananamit. Sunod-sunod akong lumunok dahil sa paraan ng pagtitig nya, para kasing nanunuot iyon sa balat. Hindi naman masama yung paraan nya ng pagtingin pero para bang may sinasabi yung mga mata nya na dapat kong bigyan pansin. "Here we are." Anya ni Jethro na naging dahilan ng pagkakaputol ng pagkakatitig ko sa babae at mapabaling sa kanya. Binuksan nya yung pintuan at iminuwestra ako papasok. Sinulyapan kong muli kung saan nakaupo yung babae kanina pero wala na sya doon kaya nagtatakang napaawang yung labi ko. Hindi kaya namamalik-mata lang ako? "Uy! Noam!" Umiling-iling ako tsaka alanganing ngumiti kay Enzo na syang tumawag sakin at tsaka tuluyang pumasok sa loob kasama si Jethro, "H-hello." "Pasok-pasok!" Paanyaya nya na hinila pa ko palapit sa sofa nila. "Noaaam! Sa wakaaas!" Inakbayan ako ni Andrei tsaka malakas na tumawa, "Akala ko talaga never na kitang makakasama sa mga ganitong pagkakataon! Feeling ko bubulukin mo yung sarili mo kaka-check dun sa papers ng mga batang walang ibang ginawa kundi magpasakit ng ulo eh! Hahahaha!" "H-hindi naman sa ganon..." Sinulyapan ko si Jethro na naupo na habang nakangiting nagsasalin ng alak sa baso, "P-pinagbigyan ko lang si Jethro, mapilit kasi sya eh." "Buti naman at napapayag ka nyang si Jethro." Singit naman ni Enzo tsaka tumabi sa side ng kaninang kinauupuan ni Andrei, "Bukang bibig ka kasi nyan kada magna-night out kami, sana daw isama ka namin para bonding na rin ng lahat." "T-talaga?" "Oo naman. Kasi syempre tayo-tayo lang ang magkaka-buddy na teachers sa grade 10 department, kung magsasaya kami edi dapat nga naman ay kasama ka namin." Si Enzo. "Tama!" Pagsang ayon ni Andrei, "Alam kong nasistress ka din sa mga bubwit na yon, lalo na dyan sa advisory class mo kaya tama lang na maglamyerda't magsaya ka paminsan-minsan!" "Ah... O-oo nga..." Napapalunok kong saad, ang likot kasi nya at halatang may tama na. "Bitawan mo na nga yang si Noam para makaupo na!" Sita ni Enzo. Sumunod naman si Andrei at tatawa-tawa akong iginiya paupo sa sofa malapit sa tabi nya, uupo na sana ako don nang malingunan ko si Jethro. Nakangiti nyang tinapik yung tabi nya na tila ba sinasabing doon ako maupo kaya hindi na ko nag-atubiling magtungo doon. Mas kumportable kasi akong katabi sya, ito kasing dalawa ang lilikot tsaka madalas magsigawan kahit ang lapit lang naman sa isa't isa. "Umiinom ka ba ng alak?" "Ahm, hindi eh." Kinamot ko yung batok ko, "Hindi ako umiinom ng alak. P-pasensya na." Ngumiti sya tsaka ginulo yung buhok ko, "That's fine. O-orderan nalang kita ng pagkain at juice, okay lang ba?" "A-ayos lang." Muli lang syang ngumiti tsaka may pinindot na kung anong button na may katabing maliit na speaker, doon sya nagsabi ng mga order nya at iba pan kailangan nya na tinugunan naman agad ng kausap nya doon. Maya-maya lang ay dumating ang mga inorder nya, nagsimula na rin silang magdaldalan tungkol sa mga kung ano-ano, madalas ay nagbabanggit sila ng mga pangalan at apelyido ng mga estudyanteng nagpapasakit sa ulo nila. Panaka-naka din nila akong tinatanong at pinipilit na uminom na nakangiti ko namang tinatanggihan. Kahit na nag-uusap kami ay nasa ibang bagay nakatuon yung isip ko, hindi ko kasi alam kung namamalikmata lang ba talaga ako o hindi. Posible bang magkita kami ulit? *** "YEAAAAAH! IGILING MO, BEYBEEE!" "Ah! Ganito ba, Andrei?" Nang-aakit na tanong nung babaeng halos wala ng saplot habang nagpapaikot-ikot sa isang matayog na poste. Halos hindi naman magkamayaw si Andrei kaka-cheer sa kanya, habang si Enzo naman ay naiiling na lumagok sa alak na hawak nya tsaka bumalik sa babaeng kausap neto. Kung saan-saan na napapadpad yung isang kamay nya dun sa katawan nung babae, kaya nag-iwas na ko ng tingin dahil alam ko na yung sunod nilang gagawin. Nagpupulahan na yung mukha naming apat, sila ay dahil sa kalasingan, ako naman ay dala ng kahihiyan. Ilang oras na kasi kaming nandito sa VIP room na panay ang inom nila, hanggang sa nagsulputan tong mga babaeng kulang sa tela at sinimulang sayaw-sayawan sila. At itong isang toh ay kanina pa ako dinidikitan. "C'mon! Let's have some fun!" Yaya nya sa napakatinis na boses tsaka umangkla sa braso ko na ikinatayo ng mga balahibo ko, "Ang cute cute mo!" "A-ano, a-ayoko eh. P-pasensya na." "Anong ayaw mo? Magsasaya lang naman tayo!" Pilit ko syang nginitian tsaka tinanggal yung kamay nya, "S-sorry, p-pero ayoko talaga." "What? Where's the fun in that? Tara na!" "H-hindi, ayoko nga." "Pero—" Naputol yung sasabihin nya ng may umakbay sa balikat ko tsaka ako hinila palayo sa kanya. Tumatawa si Jethro ng lingunin ko, hawak nya sa isang kamay ang baso habang may babae sa kabilang gilid nya na syang kausap nya kanina pa. "I'm sorry, Madelaine, pero hindi talaga mahilig si Noam makipagsaya." "Hmp. Sige na nga, kay Enzo nalang ako." Saad nung babae tsaka mabilis na bumaling kay Enzo na nakikipagpalitan na ng halik dun sa kausap nya kanina. Napangiwi ako ng wala sa oras. Naalibadbaran na ko sa kanila. Maayos naman kasi yung takbo ng pag-uusap naming apat kanina. Umiinom sila habang ako naman ay panay lang ang kain at inom ng juice, wala sanang problema pero makalipas lang ang ilang oras ay bigla nalang nagsipasukan tong mga babae at sinimulan kaming dikit-dikitan. Nagpadala naman tong tatlo, habang ako naman ay panay ang iwas sa kanila. Napakapit ako sa laylayan ng shirt ni Jethro habang iniiwas ang tingin sa direksyon nina Enzo at Andrei na gumagawa na ng kung ano-anong kababalaghan, tila mga walang pakielam kahit nandito pa kami nina Jethro. "Ang sabi mo, t-tayo-tayo lang?" Tanong ko, ginawaran naman nya ko ng ngiti. "Oo nga." "Bakit may mga babae?" "Kalma, we are regular customers here. Kilala na kami dito kaya sanay na rin silang puntahan kami." Nanlaki yung mata ko, "K-kung ganon, nag-a-avail kayo ng extra service?" "Silang dalawa ang madalas gumagawa non. Ako kasi bihira lang, sa tuwing nakakaramdam lang talaga." Bigla syang natawa habang pinagmamasdan ako, "Ayos ka lang, Noam?" Kumurap-kurap ako, "H-hah? O-oo naman, bakit mo natanong?" "Namumula kasi yung buong mukha mo." Sinapo ko yung magkabilang pisngi ko, damang-dama ng palad ko yung init na nagmumula doon patunay na namumula nga ang mga yon dala ng pagka-ilang at kahihiyan. Ako kasi yung nahihiya para sa dalawa, mga wala kasing pakiramdam, hindi kumuha ng sariling kwarto at dito pa talaga nagmimilagro. "Ba't parang gulat na gulat kang malaman na ginagawa nga namin yon?" Lumunok ako. Nakatitig kasi sya ng diretso sa mga mata ko, hindi ko alam kung seryoso ba sya sa tanong o medyo pabiro, bahagya kasi syang nakangiti sakin eh. "Ahm, h-hindi naman." "Hmn." Tango nya, "Para kasing nabibigla ka." "H-hindi ko lang inasahan na ganito sila..." Sumulyap ako sa dalawa pero agad din akong napaiwas ng tingin, "...ka-agresibo." Kulang nalang ay magsihubaran sila. Hindi na ko komportable, kahit pa sabihing pare-pareho naman kaming lalake ay naiilang pa rin ako. Alam kong natural lang na gawin yon ng dalawang tao na nakakramdam ng init pero kasi dapat sa pribadong lugar ginagawa yon. Kahit naman hindi na ito bago sa paningin ko, ayoko pa ring makakita o makanood ng ganon. Bumabalik lang yung mga alaalang ibinaon ko na sa limot. "Saan ka pupunta?" Bakas yung gulat sa nanlaki nyang mga mata nang bigla akong tumayo. "S-sa CR lang." "I'll accompany you—" "Hindi na, wag na." Pilit akong ngumiti, "Kaya ko na." Agad na akong tumalikod at naglakad patungo sa pinto, hindi ko na pinansin yung pagtawag nya dahil paniguradong magiging busy na rin sya, nasulyapan ko pa kasi kung pano lumingkis yung babaeng katabi nya sa kanya bago ako tuluyang nakalabas ng kwarto. Walang direksyon yung paglalakad ko, iniiwasan kong lingunin yung bawat taong nalalagpasan ko. Alam ko kasing napapatingin din sila sakin, yung iba naman ay sadya kong hindi tinitingnan, gumagawa din kasi ng kababalaghan. Luminga-linga ako sa paligid. Ang sasaya ng mga tao habang sinasabayan yung saliw ng musika, kanya-kanyang indak at galaw ang ginagawa nila pero hindi naman yun yung pakay ko kaya nagpatuloy ako sa paglalakad para hanapin yung CR. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako magbabanyo, gusto ko lang makalayo mula sa kanila dahil hindi ko na kinakaya yung mga ingay na naririnig ko mula kayna Andrei at Enzo. Wala naman akong nararamdaman na panic pero yung pagkailang ay dumodoble, kakaiba na rin yung tensyon ng paligid at halatang iba na ang kahihinatnan nila kaya gusto ko munang lumabas para makalanghap ng hangin. Napangiti ako nang makita yung pintong may karatula ng CR para sa lalake, pumasok ako don at dumiretso sa lababo para maghilamos. "Magpapaalam nalang ako kay Jethro na uuwi na ko," Bulong ko sa sarili ko bago pinagmasdan yung repleksyon ko sa salamin, "Hindi na talaga dapat ako sumama." Bumuntong hininga ako tsaka pumutol ng ilang layers ng tissue at ipinamunas sa mukha ko, pagkatapos ay itinapon yon tsaka ako umakmang lalabas. Ngunit nahinto ako nang may humarang sakin mismo sa pinto. "Wow, hi." Bati nung isa sa tatlong lalakeng huminto sa harap ko, "You look... pretty." Nag-iwas ako ng tingin, hindi ako natutuwa sa paraan ng pagtingin nila sakin. "Bakla yata yan, tol." Saad nung isa. "He doesn't look female to me," Dagdag pa nung nasa kaliwa, "Pretty sure he's a male." Napalunok ako habang nakahawak yung kamay ko sa kabilang braso ko. Nagkakarerahan sa bilis yung t***k ng puso ko, natatakot ako sa biglaan nilang pagharang sakin pero ayokong masamain. Ang kaso lang ay hindi maiwasan. "E-excuse me." "Whoa, hey, wait up," Pigil nung nasa gitna noong sinubukan kong lagpasan sila, "Saglit lang, nakikipagkilala lang kame." "I'm sorry, n-nagmamadali kasi ako." Muli akong sumubok na umalis pero hinawakan na nya ako sa braso. Otomatiko akong kinilabutan sa paghawak nyang yon, unti-unti ring bumibigat yung paghinga ko lalo na noong palibutan nila akong tatlo. Mas matatangkad at mas malalaki yung katawan nila sakin, Hindi ako makagalaw ng maayos dahil iniiwasan kong madikit sa kanila. "I've never saw you here before, are you new here?" "P-please, padaanin nyo na ko." "Our friend is asking you, boy. Sagutin mo nalang." "Nagmamadali ako, please." Nagsimula ng manginig yung kamay ko sa takot habang iniyayakap ko yun sa sarili ko, "Padaanin nyo ko." Imbes na padaanin ay bumulong yung isa sa kanila dito sa nasa gitna, ilang segundo lang ay nagsihagalpakan sila ng tawa sa hindi malamang dahilan. Walang ibang tao sa CR kundi kami-kami lang. Pilit kong binawi yung braso kong hawak nung nasa gitna pero nginisihan nya lang ako. "You look like both male and female, what are you really?" Humugot ako ng malalim na hininga tsaka lakas loob na tinitigan sya ng diretso, "Lalake ako, k-kaya pakiusap lang, let me through." "Oh? Hindi ako kumbinsido." Sumenyas sya sa dalawa na agad akong hinawakan sa magkabilang braso, "Let me see." "W-wait, what are you doing?! N-no!" Nataranta ako nang simulan nila akong hilahin patungo sa sulok, abot langit yung kaba ko at nanginginig na yung buong katawan ko sa takot. Nagsimula na ring mangilid yung luha ko, wala pa man ay nakikinita ko na yung balak nila sakin. Katulad ng dati, malamang ay ganon din ang gagawin nila. Hahawakan nila ako sa iba't ibang parte ng katawan, paglalaruan nila ako hanggang sa magsawa sila at iiwan na parang isang basahan. Ayokong maalala, pero isa-isang naglilitawan yung mga imahe ng bangungot sa utak ko. Sana pala nagpasama nalang ako kay Jethro... "Oh! Umiiyak na agad oh?! Wala pa nga eh!" Saad nung may hawak sakin na ikinatawa nila. "P-please! B-bitawan nyo ko! Pakiusap!" "Baka nga bakla toh." "Malalaman natin yan." "Pakiusap!" Iniwas ko yung mukha ko noong tinangka nyang hawakan yung pisngi ko, "Paalisin nyo nalang ako!" "Saglit lang toh," Anya ng kaharap ko tsaka nagpakawala ng mala-demonyong ngisi, "Pwera nalang kung gagalingan mo." Para akong hinihika sa bilis ng paghinga habang pinipilit kong makawala sa hawak nila pero hindi ko kaya, masyado silang malaki at matangkad kumpara sakin. Panay ang pagmamakaawa ko pero tinatawanan lang nila ako, hanggang sa humawak sa laylayan ng ng shirt ko yung kamay nya at dahan-dahang iniaangat yon. Napapikit ako kasabay ng pagpatak ng luha sa pisngi ko. No, not again! Please! Wag! "You forgot to lock the goddamn door." Natigilan ako at napadilat nang marinig yung boses na yon. Dumako sa pinto yung paningin ko at nakita doon ang taong magdamag na nasa isip ko. Nandon sya. Nakatayo habang nakapamulsa ang isang kamay, ang isa naman ay hawak yung doorknob at pinihit iyon para i-lock. May panibagong sigarilyo sa bibig nya, mukhang kakasindi lang. Kung ganon ay hindi ako namamalikmata kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD