(Third Person's POV) ANG nagkakalansingan na tunog ng kubyertos ang tanging ingay na maririnig sa apat na sulok ng napakalawak na dining room. Limang tao ang umuukopa ng kwarto—ang ama na syang nakaupo sa dulo ng silya, ang asawa nitong tahimik na kumakain sa kaliwa nya katabi ang pitong taong gulang na bata at ang panganay na syang nasa kanan. Walang ibang tauhan na naroon bukod sa kanang kamay ng ama na nakatayo sa likuran nito at sa katulong na syang umaalalay sa batang may diperensya sa mata at pandinig. Bumaling ang tingin ng ama isa-isa sa kanila bago tumikhim. "Leandro said that the boy that I gave to you was sent to the infirmary." Tanong ng padre de pamilya sa gitna ng katahimikan. Ang paningin nya ay nasa panganay na anak na syang nakapwesto sa kanang bahagi ng mesa. Tipid a

