"HINDI ko tuloy alam kung ano ang una kong sasabihin. Huh! Tuwang-tuwa tayong lahat dahil sa wakas ay ikinasal silang dalawa subalit. Subalit, halos hindi pa natatapos ang reception ay kailangan na nilang maghiwalay. Kahit pa sabihing call of duty," malungkot na pahayag ni General De Luna. Mismong pamangkin ng asawa niya ang bride at anak ito ng isa sa best buddy. Ganoon din ang groom. Inaanak din niya ito lalo at anak naman ng isa sa mga matalik na kaibigan. "Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan, Pareng Rey. Dahil kahit tumutol tayo ay sigurado namang hindi papayag ang leonang iyon. At isa pa ay narinig natin ang sinabi ni Patrick Niel," sabi naman ni Ginang Yana. Bagay na sinigundahan din ng balae nila o ang mag-asawang Cyrus at Rowena. "Tama kayong dalawa, Mareng Yana at Pareng

