"IKAW na ba ang sirena ng patrol car mo, Sam? Aba'y, nakakabingi ka eh!" singhal tuloy ni Patrick Niel sa younger sister na tumili ng pagkalakas-lakas. "Kuya Pogi, ikaw muna ang pogi dahil si Kuya BG ay lalayas na naman. May date daw sila sa internet ni Ate TF," saad ng dalagang hindi pinansin ang malakas na boses kapatid. Kaso! "Huwag mong gawing salawahan ang tao, Sam. Aba'y Maria Theressa ang maging hipag natin kay twin brother. Paano naging TF? Diba dapat ay MT?" naguguluhang tanong ni Niel. "How I wish na nandito si Ate Whitney Pearl at sapakin ka niya. Hindi pagiging salawahan iyon, brother. Naging outdated ka lang kaya ganyan. TF means Tuition Fee, according to Kuya Xander and Kuya Alex. Ah, speaking, huwag ka ng umangal dahil sasamahan kitang bumiyahe. Well..." Pambibitin pa n

