KYLIE POV "Ang sabi sa amin ng anak namin, cardiac arrest daw ang parehas na kinamatay ng parents mo?" tanong ng mama ni Jen habang nandito kami sa harapan ng mga magulang ko. "Yes po," saad ko, gusto ko lang talagang pag takpan ang nangyari sa mama ko. Alam ni Jen na mayroong HIV si mama ngunit cardiac arrest lang din ang pinaalam kong cause of death sa kanya. "Kapag talagang sakit sa puso ang tumama sa tao ay surrender na. Mahirap ang ganitong klase ng sitwasyon, kapag puso ang dinadali, pakiramdam ko ang paa ng isang tao ay nasa hukay na." "Kaya nga po eh. Traydor talaga ang sakit sa puso ngunit ano ba ang magagawa ko? Naiyak ko na ang na ang lahat. Ngayon ay natutulala na lang din ako sa mga nangyayari." "Magpaka tatag ka lang, ganito talaga ang buhay, no choice tayo kung hindi

