JEN POV Habang nasa hapag kainan kami, kabado ako kasi ngayon ko pa lang ibubwelo ang sarili ko upang sabihin sa kanila ang malungkot na balita tungkol sa sinapit ng parents ni Kylie. "Anak, bakit ka nga pala napauwi rito sa bahay? Akala ko ba ay comfortable ka na sa condo mo?" "Ma, malapit lang po ang condo ko sa school but it was also boring sometimes. May mga times po na I feel so homesick at masaya po ako na nakauwi ako rito after some time. Ang kwarto ko ay na miss ko na rin, pati ang love birds ng kapitbahay natin at ang pinaka na miss ko sa lahat ay ang luto niyong masarap." "Sus binola mo pa ako eh ang luto ni Jude ang madalas mong natitikman hindi ba? Palagi mong pino post ang pagkain na niluluto ng bf mo! Nakikita namin sa social media account mo." "Opo ma! Pino post ko po

