ADELINE "Wow, Ms. Addie, sigurado ka na hindi ka dadalo sa fashion show as model ng damit ni Ms. Heaven? You look so stunning in her collection," puno ng paghanga ng gay makeup artist na kaibigan namin ni Mama. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Oh, stop it, Jay. Thanks to your magic touch kaya gumanda ako." She dramatically rolled her eyes. "Oh, please! Wala naman akong masyadong ginawa dahil matagal ka ng maganda, Ms. Addie. Unlike you bruhildang kapatid na kailangan ko pang kapalan ang kanyang makeup para lang magmukha itong tao. Maloloka ako sa kaartehan niya." I giggled. Sinadya niyang si Maddie muna ang inayusan para mauna daw ang bad mood kaysa good mood niya. Gustuhin man nilang hindi isama si Maddie nahihiya daw sila sa aking ama at dahil na rin sa pakiusap ng aking Mama. "Da

