ELIAS "Isn't that great, Elias, just you and me for two weeks," Maddie exclaimed beside. Sobrang lapad ng ngiti nito mula kanina nang ipinaalam ni Don Armando na ako ang magiging pansamantala niyang driver hanggang doon si Addie sa bahay ng kanilang Tita Beatrice. Mabilis namang pumayag si Maddie sa kagustuhan ng kanyang ama. Gustuhin ko man magprotesta hindi ko na magawa. Ngayon hatid tanaw ko ang aking nobya na paalis sa sasakyan na sumundo sa kanya. Two weeks. If hindi susundin ni Ma'am Beatrice ang kanyang salita magre-resign ako dito para malaya ako sa aking gagawin at maging sa relasyon namin ni Addie. Hindi ko na hahayaan pa na diktahan nila kami sa relasyon namin. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Maddie. Umalis ako sa aking pwesto at pumasok sa garahe. "Elias, I'm talking to you

