ADELINE Kinabukasan ng hapon masaya kaming nagpaalam ni Elias sa mga kaibigan namin at kanya-kanya na kaming sumakay sa mga sasakyang aming dala. Lahat ng exclusive staff namin ni Myra sa Fun and Plan Go ay may sasakyan na aming ibinigay upang mapadali ang travel nila sa pagpunta sa mga projects namin. Pinaghalong excited at kaba ang aking nararamdaman habang naglalakbay kami ni Elias patungo sa Hacienda Madrigal. Nag-enjoy kaming lahat kanina sa private resort ni Allan. This time nakisabay ako sa aking mga kaibigan dahil masigla na ang aking pakiramdam. Ang lalong pamumula ng aking balat ay sanhi ng halos kalahating araw na pagbabad sa araw, naligo at paglalaro ng beach volleyball. We are half way sa hacienda ng magring ang phone ni Elias. Incoming videocall from Tina. Mabilis ko i

