CHAPTER TEN ALEXA POV NAGISING ako sa sinag ng araw na nagmumula sa isang kristal na pintuan. Nakatulog pala ako ulit-- pero teka! Nasaan ako? Bakit nakahiga ako rito sa isang malaking kama? Ano'ng nangyari? Bakit wala akong maalala? Napabalikwas ako ng bangon kasabay ng pagsilip ng katawan ko sa ilalim ng kumot na nakatabing sa akin. Napalunok nalang ako-- sa bahagyang takot na naramdaman, kahit ano'ng gawin ko wala talaga akong maalala dahil ang alam ko pareho na kaming nagising ni Forth. Pero bakit ako nandito? Paano? "Goodmorning, Alexa," bungad na bati sa akin ni Forth nang sumilip ito sa geywang ng pinto sa labas na kong hindi ako magkakamali sariling silid nito. Napalunok muna ako bago tumugon sa kaniya. "Ano'ng ginagawa ko rito? Bakit ako nandito?" tanong ko sa kaniya. Tukoy ko

