CHAPTER 59 FORTH POV ILANG oras na rin akong naghihintay kay Alexa, nandito ako ngayon paharap sa sarili nilang silid ni Japet. Nakaramdam ako ng kaba kung bakit bigla na lamang si Chester, pumasok sa silid nila at ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin ito lumalabas. "Maghahanda na kami ng stage. Gusto mo ba sumama?" yaya sa akin ni Angelo. Tumanggi ako rito at gusto ko munang makita si Alexa, may gusto lang akong sabihin sa kaniya. "Kamusta pag-uusap niyo ni Alexa?" tanong nito, nang umupo ito patabi sa akin. "May kailangan lang ako isaalang-alang," "Si Chelsea ba?" tanong ni Angelo. Alam kong kilala ako ng pinsan ko, wala akong tinatago sa kaniya. "Tama lang ang siyang gagawin mong unahin mo muna si Chelsea, bago si Alexa. Alam ko naman maiintindihan ka ni Alexa, pag nalaman n

