CHAPTER 45 ALEXA POV NAGING maayos para sa amin ni Forth ang lahat. Nakapag-usap na kami ng maayos, sinabi ko na rin sa kaniya ang ilang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sa kaniyang matagal na kaming magkakilala. "Pwedi ka ng umalis," sabi ko sa kaniya. Hindi pa kasi ito nagpapalit ng damit nito kahapon pa, wala ring maayos na tulog at kain siguro ito. Maayos na rin kasi ako, nararamdaman ko ng medyo magaan na ang ulo ko. Dahil na rin siguro nakapagpahinga na rin ako ng kaunti. "Ayos ka lang ba talaga?" paninigurado nito. Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. "Baka maya-maya nandito na rin si Grace o Japet," kumbinse ko sa kaniya. Bahagi ng isip ko nagsasabing huwag muna siyang umalis. Pero ayaw ko naman siyang manatili rito at baka mas lalo lang sila mag-away ni Chelsea, babae

