C = 79 ALEXA's POV HINDI ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para makauwi. Hindi ko sinasadyang matingnan ko ang sarili ko sa salamin, mugto ang mga mata ko. Dahil sa kaiiyak sa nangyaring pag-uusap namin ni Forth, hindi ko matatanggap na doon nalang magtatapos ang lahat sa amin. Ang unfair! Parang ang hirap tanggapin. Umupo ako sa paanan ng kama ko sa sarili kong silid. Nandito pa rin ang sakit. At wala akong dapat sisisihin kundi ang sarili ko, ako ang nagkamali kaya ako nasasaktan ng ganito dahil ako ang mali. Masakit para sa akin ang marinig ang sarili kong hikbi. Akala ko kanina magiging maayos sa amin ni Forth ang lahat, pero nagkamali ako dahil nauna niyang nalaman ang paglilihim ko keysa sa sabihin ko sa kaniya. Nasaktan ako sa galit na nakita ko sa mga mata nito, maging an

