ALEXA POV TIKHIM ni Grace ang siyang nagpabalik sa katinuan ko sa pagkakayapak ni Forth sa akin. "Nakakaisturbo ba ako?" makabuluhang tanong ni Grace sa amin, habang nakatingin kay Forth. "Uh-m! S-sorry.." Hindi ko napigilang mapakamot sa ulo ko, kasabay ng pag-iwas ko sa tingin ni Grace. "Natutuwa lang ako at lalabas na siya," agaw ni Forth sa iba ko pang sasabihin sana. Pilit itong ngumiti lumapit sa akin. Lihim akong napakagat-labing pinagmasdan siya, alam ko naman kasing hindi nito nagustuhan ang nakita. Tumabi si Forth, nang lapitan ako nito. "Ihahatid ko na kayo." "I have my car," ani ni Grace. "Wala naman sigurong masama kung sasabay ako para mahatid kayo ng maayos." Sinulayapan ako ni Forth. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag kong dala. "Ayos lang naman kami, Forth! L

