CHAPTER 28 FORTH POV NATAWA akong bigla sa mabilis na sagot sa akin ni Alexa. Sinasabi ko na nga ba, e. Smooth talaga ito pagdating sa akin. Umiwas siya ng tingin. Napangiti nalang ako sa reaksyon niya, mas sumidhi tuloy ang nararamdaman kong may pagtingin din sa akin si Alexa. "Kain.." alok ko sa kaniya. Tinaas nito ang kilay binaling ang tingin sa telebisyon. She is so lovely. Tama naman ang siyang sinabi ko kanina sa kaniya na maganda talaga siya at pwedi siyang maging modelo. Hindi lang siya kasing tangkad ni Chelsea, pero sa potensyal makikitaan mo. "Ayaw mo ba?" "Kuntento na ako sa trabaho ko. Masaya ako, hindi ko kailangan ng iba pa." "Career move!" "Tulad nga ng sabi ko masaya ako sa trabaho ko, Forth. Matagal na ako sa industriyang ito and I dont see anything wrong." "

